Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag ituring na pulubi ang SSS pensioners

SHARE THE TRUTH

 217 total views

Nanawagan si dating CBCP – president at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz kay Rodrigo Duterte na huwag gawing pulubi ang mga pensionado ng Social Security System.

Ginawa ng Arsobispo ang apela dahil sa patuloy na pagkaantala ng inaprubahang 2-libong pisong SSS pension hike para sa tinatayang 2-milyong pensioners dahil sa sinasabing re-computation at mga system requirements.

Naunang inihayag ni SSS chairman Amado Valdez na ibibigay ang isang libong pisong pension hike ngayong buwan ng Pebrero habang itatakda naman ang susunod na 1-libong pisong increase.

Ayon kay Archbishop Cruz, kailangan ng matinong economic planning at maisama sa konstitusyon ang hakbanging ito na makatutulong hindi lamang sa mga kasalukuyang pensioners kundi sa mga susunod pa rito.

“Limos dito, limos doon, bigay dito, bigay doon, hindi ginagawang constitutional halimbawa na lahat ng inyong sweldo ay itataas, bababa ang taxation, etc. Ang nangyari, abot dito, abot doon, konting bigay doon, konting bigay dito. Kaya hindi umuunlad ang ating bansa sapagkat ang kulang ay economic planning, wala sa plano.” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Batay sa record, nasa 11.5-milyon ang miyembro ng SSS habang nasa 2.5 milyon ang pensioners.

Sa social doctrine of the church, kinakailangang ang estado ay gumagawa ng mga programa na ang nakararami ang nakikinabang tulad ng mga mahihirap na pangunahing nagbibigay kita sa mga negosyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,928 total views

 9,928 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,028 total views

 18,028 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,995 total views

 35,995 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,315 total views

 65,315 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,892 total views

 85,892 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 40,868 total views

 40,868 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 39,810 total views

 39,810 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 39,940 total views

 39,940 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 39,919 total views

 39,919 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top