Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

IPs, pangangasiwaan ang Sierra Madre Council

SHARE THE TRUTH

 258 total views

Bubuo ng Sierra Madre Council ang Department of Environment and Natural Resources upang mapaigting pa ang pangangalaga sa kabundukan.

Dito binigyang diin ni DENR Under Secretary on International Affairs and Foreign Assisted Programs Atty. Jonas Leones na mahalagang makisangkot ang mga katutubo sa pagpaplano kung paano mapapaunlad ang kanilang komunidad nang hindi nakasasama sa kalikasan.

Dito rin binigyang diin ni USec Leones ang pahayag ni Environment Secretary Gina Lopez na hindi tunay na masasabing maunlad ang isang komunidad kung nananatiling mahihirap ang mamamayan.

“Ang lagi ngang sinasabi ni Secretary, no matter how successful a program maybe, kahit maraming projects kahit maraming resources, kapag po ang benepisyo ng mga programang ito ay hindi naman bumababa sa komunidad, talaga pong naghihirap ang mga komunidad ay wala ding saysay ang ginagawa natin,” pahayag ni USec Leones.

Kaugnay dito sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng Sierra Madre Summit ang DENR kung saan kinokonsulta ng ahensya ang mga Indigenous People at Civil Society groups kung ano ang kanilang kinakailangan upang magkaroon ng permanente pang kabuhayan at mapaunlad ang Siera madre.

Ayon sa DENR naglaan ito ng 2 milyong piso bilang puhunan sa livelihood program na hihilinging buuin ng mga IP sa Sierra Madre.

Una nang binigyang diin ni Pope Francis sa Laudato Si ang kahalagahan ng mga katutubo dahil ang mga ito ang nagsisilbing tagapagtanggol ng kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,952 total views

 7,952 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,052 total views

 16,052 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,019 total views

 34,019 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,356 total views

 63,356 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,933 total views

 83,933 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 43,395 total views

 43,395 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 43,413 total views

 43,413 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top