Kanselasyon ng Obama-Duterte meeting, may implikasyon

SHARE THE TRUTH

 189 total views

May implikasyon ang pagkansenla ni US President Barrack Obama sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit sa Laos.

Duda si Political Science Prof. Ramon Casiple, na dahil dito, “under review” na ngayon ang relasyon ng Amerika sa ‘Duterte administration’.

Ayon kay Prof. Casiple, mas mabigat ito dahil ang naglabas ng kanselasyon ng nakatakdang pagpupulong ay ang US National Security Council na ‘body’ na nagdedesisyon ng mga ‘regime changes’.

“Mabuti sana kung kaaway mong bansa yan, kaya yung response medyo may tama yun yung cancellation, may implications immediately yun, duda ko yung relations with Duterte administration under review na ngayon, ang hint diyan yung naglabas ng cancellation ang national security council spokesperson, mabigat yun kasi yan ang body na nagde-decide ng mga regime changes, but review naman yan,” ayon kay Casiple sa panayam ng Radyo Veritas.

Kung natuloy sana ang nasabing pulong, ito ang kauna-unahang pagpupulong ng dalawang lider at pag-uusapan dito ang laganap na extrajudicial killings sa bansa na naging dahilan ng hindi magandang komento ni Duterte laban kay Obama.

Sa ulat ng Philippine National Police nasa halos 2,000 na ang insidente ng pagpatay na may kinalaman sa ilegal na droga kung saan mahigit sa 700 dito lehitimong operasyon ng pulisya.

Una ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habambuhay na pagkabilanggo sa mga nagkakasala na ayon sa kanya ay laban sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang magbagong-buhay.

Samantala, sinabi ni Prof. Casiple na prayoridad ng administrasyon ngayon ang pakikipagkaibigan muli sa China upang malutas ang iba’t-ibang suliranin sa magkabilang panig gaya ng usapin sa South China Sea o West Philippine Sea.

“Well may definite na policy na i-resume ang pakikipagkaibigan sa China, kasi yun yung pundasyon ng usapan para malutas ang ibat-ibang usapin sa China lalo na ang South China Sea, like si dating president FVR pupunta ulit dun kung ano ang pwede mapagkasunduan, may effort talaga, bahagi ng diplomasya yan pero it does not mean bibitawan natin ang relasyon natin sa US wala tayong kakayahan na mang-away, kailangan magbubukas ka sa China sa framework ng pakikipagkaibigan, ayusin ang mga problema within the framework of relationship,” ayon pa kay Casiple.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 220 total views

 220 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,582 total views

 25,582 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,210 total views

 36,210 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,232 total views

 57,232 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,937 total views

 75,937 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 57,993 total views

 57,993 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 83,808 total views

 83,808 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 125,372 total views

 125,372 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top