Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapayapaan ay bunga ng katarungan, katotohanan at pag-ibig

SHARE THE TRUTH

 708 total views

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Ina ng Kapayapaan o Edsa Shrine at bisperas ng ika-32 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Inihayag ng kanyang Kabunyian na ang kapayapaan ay hindi lamang sa katahimikan at kawalan ng kagulungan.

Kundi ang tunay na kapayapaan ay bunga ng itinanim na katarungan, katotohanan, pag-ibig at paggagalangan.

“Ang kapayapaan po sa bibliya at turo ng simbahan ay hindi lamang kawalan ng karahasan o kawalan ng giyera o kawalan ng conflict. Mas malalim-lalim pa ang kapayapaan kaysa doon.
Sa turo ng simbahan peace is not only the absence of violence,”
ayon kay Cardinal Tagle.

“Kalimitan ang kawalan ng kapayapaan ay tahimik. Dahil sa ang kapayapaan ay bunga lamang ng mga itinatanim natin,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ito ayon kay Cardinal ay base na rin sa sinabi ni Pope Saint John XXIII na sumulat ng Pacem in Terris- kapayapaan sa lupa, ang kapayapaan ay bunga lamang ng katarungan, katotohanan, pag-ibig at paggagalang.

At kapag ito ay itinaninm at lumago tayo ay may aanihing kapayapaan, subalit kung wala ang mga ito bilang pundasyon ay hindi makakamit ang tunay na kapayapaan.

Hinimok ng Kardinal ang mamamayan na hingin ang tulong ng Mahal na Ina ng Kapayapaan upang magtanim at magtayo ng pundasyon ng katarungan, katotohanan at pag-ibig upang makamit ang tunay na kapayapaan.

Ang dambana ang itinayo noong 1989 bilang paggunita sa dalawang makasayasayang People Power Revolution na nagpatalsik sa diktadurya ng noo’y si Pangulong Ferdinand Marcos taong 1986 at ang pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada noong 2001.(Marian Navales-Pulgo)

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,544 total views

 88,544 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,319 total views

 96,319 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,499 total views

 104,499 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 119,996 total views

 119,996 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 123,939 total views

 123,939 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 26,801 total views

 26,801 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top