Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapistahan ng Patron Saint ng kabataan at computer programmers, ipinagdiriwang

SHARE THE TRUTH

 1,055 total views

Matagumpay ang isinagawang Diocesan Celebration sa karangalan ni Blessed Carlo Acutis sa Diocese of Malolos.

Tampok sa pagdiriwang ang pagdalaw ng relic ni Beato Carlo sa iba’t ibang simbahan at tanggapan sa lalawigan na layong palawakin ang debosyon ng batang banal.

Nagsimula ang gawain noong October 5 sa St. James the Apostles sa Plaridel Bulacan kung saan pinangunahan ng kabataan ang pagdarasal ng Santo Rosaryo bago ang Banal na Eukaristiya.

Dinalaw din ng relikya ang St. Isidore the Farmer Parish sa Valenzuela City; National Shrine of the Divine Mercy sa Marilao; St. Augustine Parish sa Baliwag; Religious of the Divine Word Convent sa Malolos; Immaculate Conception Major Seminary sa Guiguinto; Malolos City Hall; Bulacan Provincial Capitol; at sa Minor Basilica and Cathedral of the Immaculate Conception.

Noong October 8 pinangunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo – Episcopal Promoter ng Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines ang Banal na Misa.

Sa kanyang homiliya ay hinikayat ni Bishop Villarojo ang mananampalataya na tularan ang pamumuhay ni Beato Carlo sa kabanalan na binibigyang pahalaga ang Panginoon sa kabila ng mga makamundong bagay.

“This is the genius of blessed carlo acutis na sa mura niyang pag iisip kanyang napagtanto na ganun pala ang buhay ng tao hindi yung sunod-sunuran tayo sa sa mundo … anupaman ang mga bagay na ibinigay sa atin ng mundo hindi ito ang pinaka-mahalaga, babalik at babalik tayo sa pinanggalingan natin ang Diyos na naglikha sa atin, nagbibigay ng buhay, nagbibigay ng biyaya sa araw-araw,” pahayag ni Bishop Villarojo.

October 12 ang kapistahan ni Beato Carlo na tinaguriang patron ng kabataan at Computer Programmers.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Kuya Carlo: God’s Young yet Powerful Influencer of Today’s Generation” dahil sa pagiging mabuting halimbawa ng beato na ginamit ang makabagong teknolohiya upang maipalaganap ang kahalagahan ng Eukaristiya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 6,693 total views

 6,693 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 25,264 total views

 25,264 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 50,764 total views

 50,764 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 61,565 total views

 61,565 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 1,432 total views

 1,432 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567