Karapatan sa malinis na hangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,088 total reads

Mga Kapanalig, narinig niyo na ba ang tungkol sa microplastics?  

Ito ang mga nagliliitang piraso ng mga plastik na may mga kemikal at kalimitang natatagpuan sa mga karagatan, ilog, at iba pang anyong tubig. Sa katagalan, kapag napupunit, kumikiskis sa mga bato, at natatapakan ang mga plastik, nadudurog ito sa maliliit na piraso at nagiging microplastics. Nagkakaroon ng microplastics dahil sadyang hindi nabubulok ang mga plastik.  

Lumabas sa isang pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology na hindi na lamang sa tubig matatagpuan ang microplastics. Nakahalo na rin daw ito sa hangin, at least dito sa atin sa Metro Manila. Ito ang kauna-unahang pagkakataong napatunayang may microplastics sa ating hangin. Ang nakababahala, posibleng nalalanghap o malanghap natin ang mga microplastics na, katulad ng usok na nagmumula sa mga sasakyan, may peligrong dulot sa ating kalusugan. 

Kung inyong matatandaan, nagkaroon din ng balita kung saan may natagpuang microplastics sa bituka ng ilang isdang kinakain natin. Bilang isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming itinatapong plastik sa dagat, hindi maiiwasang napupunta ang mga microplastics sa mga seaweed at algae na pinagmumulan ng pagkain ng mga mga isda at iba pang lamang-dagat.2 Napakadelikado nito hindi lang para sa mga isda kundi pati na rin sa ating mga tao, dahil ang kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastik ay maaaring magdulot ng neurological, reproductive, at developmental na pagkalason; cancer; paghina ng immune system; at marami pang ibang sakit.  

Gaya ng binigyang-diin ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, tunay ngang nakaaapekto sa mga tao ang polusyon at nagdadala ito ng sari-saring pinsala sa kalusugan. Tandaan din nating tayo ang puno’t dulo ng polusyon, kaya nakasalalay din sa atin ang magiging solusyon upang hindi na ito lumala pa. 

Sa kabila ng nakababahalang balitang ito, ayon sa UN Environment Programme, may pag-asang mabawasan ng 80% ang polusyon ng plastik kung sama-samang kikilos ang iba’t ibang sektor na tugunan ang problema sa plastik. Ilan sa mga ito ay ang paggawa at seryosong pagpapatupad ng mga batas, patakaran, at programa ng mga gobyerno na babawas sa produksyon ng mga plastik na mapaminsala at hindi naman kailangan. Maaari din silang magbigay ng incentives sa mga sustainable practices na ginagawa ng mga negosyo. Pwede ring mamuhunan ang gobyerno sa mas mahusay na waste management infrastructure katulad ng mga recycling facilities. Para naman sa mga negosyo, may kakayanan silang magkaroon ng alternatibo sa mga plastic packaging o maglagay ng mga refilling stations malapit sa mga mamimili. At bilang mga indibidwal naman, bawat isa sa atin ay may kakayahang gamitin ang ating mga boses para manawagan sa gobyernong itaguyod ang karapatan natin sa malinis na hangin at piliin lagi ang mga desisyong makabubuti para sa ating kapaligiran.  

Mga Kapanalig, kahit na nakababahala o nakakatakot ang pagkakaroon ng microplastics sa hanging ating nilalanghap, marami pa rin tayong magagawa para sa ating kapaligiran at kalikasan. Ang problema—gayundin ang solusyon—sa paglaganap ng plastik ay nagsisimula sa atin, sa ating mga institusyon, at sa mga nagpapatakbo ng ating ekonomiya. Dahil alam na natin ang problema, kumilos din tayo para sa mga solusyon. Gaya ng paalala sa Santiago 4:17, nagkakasala ang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa. Mayroon tayong karapatan sa malinis na hangin kaya’t maliban sa indibidwal na pagsisikap, patuloy dapat ang panawagan at paghingi natin ng pananagutan sa gobyerno at mga industriyang mayroong higit na kapangyarihan. Kung aktibong kikilos ang lahat tungo sa pagkakaroon natin ng malinis na hangin at kapaligiran, magagawa nating mabawasan ang polusyon sa plastik.  

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 2,775 total reads

 2,775 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 44,732 total reads

 44,732 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 78,859 total reads

 78,859 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 135,265 total reads

 135,265 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 2,777 total reads

 2,777 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 44,734 total reads

 44,734 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 78,861 total reads

 78,861 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 135,267 total reads

 135,267 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top