Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasong sedition laban kay Trillanes at 2-Katolikong Pari, ibinasura ng QCMTC

SHARE THE TRUTH

 2,143 total views

Ibinasura ng Quezon City Metropolitan Trial Court (QCMTC) ang kasong ‘conspiracy to commit sedition’ laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV, Rev. Fr. Flaviano Villanueva, SVD at Fr. Albert Alejo, SJ kasama ang ilan pang personalidad dahil sa video na ‘Ang Totoong Narcolist’, na kumalat online noong taong 2019.

Batay sa inilabas na desisyon ng QC MTC Branch 138 na may petsang July 14, 2023, inihayag ng korte na walang sapat na ebidensya na naihain ang prosekusyon upang madiin sa kaso ang mga akusado.

Sinuportahan ni Presiding Justice Kristine Grace Suarez ang hiwalay na demurrer to evidence na inihain ni Trillanes kasama ang iba pang mga akusado na sina Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Albert Alejo, Peter Joemel Advincula, Jonnel Sangalang, Yolanda Villanueva Ong, Vicente Romano III at Ronnil Carlos Enriquez dahil sa kakulangan ng sapat ebidensya.

“WHEREFORE, premises considered, the Demurrers to Evidence separately and individually filed by accused Peter Joemel Advincula, Antonio F. Trillanes IV, Jonnel P. Sangalang, Yolanda Villanueva Ong, Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Alvert E. Alejo, Vicente R. Romano III, and Ronnil Carlo S. Enriquez are hereby GRANTED.

The instant case for Conspiracy to Commit Sedition instituted against all the accused is hereby DISMISSED for insufficiency of evidence.” Ang bahagi ng desisyon ng QC MTC Branch 138 na may petsang July 14, 2023.

Nasasaad din sa desisyon ng Korte na ang lahat ng mga testigo na iniharap ng prosekusyon ay pare-parehong inamin o “consistently admitted” sa isinagawang mga cross-examination na sila ay walang personal na kaalaman sa mga insidente o pangyayaring isinalaysay sa affidavit ng nasa video na si Peter Joemel alyas “Bikoy” Advincula na sinabing ang oposisyon ang nasa likod ng mga serye ng “Ang Totoong Narcolist” video noong 2019.

Matatandaang ang nasabing kaso ng Conspiracy to Commit Sedition na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay Trillanes at iba pa ay may kaugnayan sa “Ang Totoong Narcolist” videos na kumalat taong 2019 kung saan saan idinadawit si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ilan sa miyembro ng pamilya Duterte at si Senator Bong Go sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,583 total views

 13,583 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 22,251 total views

 22,251 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 30,431 total views

 30,431 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 26,458 total views

 26,458 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 38,509 total views

 38,509 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,563 total views

 1,563 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,382 total views

 2,382 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,772 total views

 7,772 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top