Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kumilos, laban sa banta ng mas matinding pagbaha

SHARE THE TRUTH

 4,732 total views

Patuloy ang pagiging abala ng simbahan na pinangungunahan ng Anak ni Inang Daigdig sa pagtatanim ng puno ng kawayan sa mga river banks sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Fr. Ben Beltran founder ng Anak ni Inang Daigdig, layunin ng programa ay upang labanan ang matinding epekto ng pagbaha na ang pangunahing mga nasasalanta ay ang mga lalawigan sa Luzon kasama na ang Metro Manila.

“Ang problema hindi iyong Marikina, hindi yung Provident Village. Ang problema, ang Mount Ayaas at ilang pang bundok sa Montalban hanggang Bulacan na ay kinalbo ng mga illegal loggers. Kapag hindi natin nataniman ‘yan mas mataas pang mga baha ang mahihintay natin sabi ng mga scientist,” ayon kay Fr. Beltran.

Sa kasakuyan ayon sa pari ay may higit na sa 200 parokya mula sa Diocese ng Antipolo, Cubao at Novaliches ang nag-sponsor ng mga seedlings para mataniman ang may 600 ektarya ng river banks sa Rizal.

Ang Anak ni Inang Daigdig ay grupo ng mga mananayaw mula sa Smokey Mountain at nagtatanghal sa iba’t ibang bansa na itinalaga ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang Ambassadors for Peace and Environment.

Dagdag pa ng pari, ang adbokasiya ng pagtatanim ng kawayan ay limang taon na nilang isinasagawa bagama’t kabilang din sa mga ‘binhi’ ay natangay ng nagdaang bagyong Ulysses.

Bukod sa mga river banks, naghahanda na rin ang grupo para sa gagawing reforestation sa mga bundok ng Sierra Madre kung saan bukod sa kawayan ay pinag-aaralan na rin ang iba pang uri ng puno at damo na maaring itanim na makatulong laban sa baha at mga pagguho ng lupa.

Ayon pa kay Fr. Beltran, binigyan ng permiso ng DENR-Rizal ang simbahan para mataniman ang 600 ektarya ng River banks sa lalawigan.

Umaasa din ang pari sa pakikipagtulungan ng iba pang diyosesis sa buong bansa na suportahan ang hakbang para sa ikatatagumpay ng proyekto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 3,312 total views

 3,312 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 11,412 total views

 11,412 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 29,379 total views

 29,379 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 58,811 total views

 58,811 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 79,388 total views

 79,388 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,446 total views

 11,446 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top