Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lahat ng volunteers, kinilala ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 10,288 total views

Pinasalamatan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang lahat ng volunteer’s ng lipunan na naglalaan ng panahon para paglingkuran ang kapwa.

Sa pagdiriwang ng Jubilee of the world of Volunteering binigyang diin ng santo papa na mahalagang papel sa pamayanan ang ginagampanan ng mga volunteers lalo ngayong mas binibigyang pansin ang sariling interes para kumita.

Sinabi ni Pope Francis na ang pagboluntaryo ay pagsasabuhay sa turo ng Panginoon na maglingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangang sektor.

“Volunteering is prophecy and a sign of hope, because it bears witness to the primacy of gratuitousness, solidarity and service to those most in need. I express my gratitude to those who are engaged in this field: thank you for offering your time and abilities; thank you for the closeness and tenderness with which you care for others, reawakening hope in them,” ayon kay Pope Francis.

Binanggit ng santo papa na sa kanyang pananatili sa Gemelli Hospital mula noong February 14 ay naranasan din nito ang pagkalinga at pag-aalaga ng mga medical professionals na karaniwang nagsasagawa ng volunteer at charity works sa lipunan upang matugunan ang pangangailangang medikal ng mga dukha.

Muling tiniyak ng lider ng isang bilyong katoliko sa mundo ang pakikilakbay sa mga may karamdaman at ang pananalangin para sa katatagan at kagalingan.

“I think of the many people who in various ways are close to the sick, and who are for them a sign of the Lord’s presence. We need this, the “miracle of tenderness” which accompanies those who are in adversity, bringing a little light into the night of pain,” dagdag ni Pope Francis.

Pinasalamatan ng santo papa ang lahat ng nagpaabot ng mensahe at nag-alay ng panalangin sa kanyang paggaling kasabay ng paanyayang makilahok sa mga gawain ngayong kuwaresma at sa nalalapit na Paschal Triduum na makatutulong mapalago ang espiritwalidad ng mananampalataya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 59,126 total views

 59,126 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 78,811 total views

 78,811 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 116,754 total views

 116,754 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 134,630 total views

 134,630 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

PAHRA, ipaglalaban ang justice free for all

 9,110 total views

 9,110 total views Kinundina ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Mamamayan, binigo ng Senado

 10,483 total views

 10,483 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567