Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lubusang paggaling ni Pope Benedict XVI, dalangin ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 1,206 total views

Dalangin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lubusang paggaling ni Pope Emeritus Benedict XVI.

Ayon sa Arsobispo, nawa’y maranasan ng dating Santo Papa ang kalinga ni Hesus na dumating para sa katubusan ng sanlibutan.

“Nawa sa panahong ito ng kapaskuhan, maranasan ni Pope Benedict XVI ang presensya ni Hesus na ating Liwanag at Tagapagligtas. Ipagkatiwala natin siya sa Diyos at sa pagkalinga ng Mahal na Birhen,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Matatandaang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya ang panalangin para sa paggaling ni Pope Emeritus Benedict XVI na kasalukuyang nakararanas ng matinding karamdaman sa edad na 95- taong gulang.

Tiniyak ni Cardinal Advincula ang pakikiisa sa panawagan ni Pope Francis kasabay ang apela sa mga Pilipino na magbuklod sa panalangin para sa dating punong pastol ng simbahan.

“Hinihiling ko na isama natin si Pope Benedict XVI sa mga intentions ng ating mga Misa, magsama-sama tayo sa pananalangin, Holy Hour, at pagro-rosaryo para kay Pope Benedict,” ani ng cardinal.

Taong 2013 nang magbitiw sa panunungkulan bilang santo papa si Pope Benedict XVI dahil sa karamdaman subalit nanatili itong nakasuporta sa liderato ni Pope Francis sa pangangasiwa sa 1.4 bilyong katoliko sa buong mundo.

2005 nang maihalal ang dating santo papa bilang kahalili sa namayapang si St. John Paul II.

Naunang nagpaabot ng panalangin si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari at Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo para sa mabilis na paggaling ng dating Santo Papa.

Inialay din ng Diocese of Balanga ang lahat ng misa sa Bataan para sa kagalingan ni Pope Emeritus Benedict XVI.

Mga Misa sa Diocese ng Balanga, iaalay sa kagalingan ni Pope Benedict XVI

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 30,168 total views

 30,168 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 44,228 total views

 44,228 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 62,799 total views

 62,799 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 87,437 total views

 87,437 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567