532 total views
Kumbinsido si Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na ang mababang moralidad at pagkawala ng kulturang Filipino ang dahilan ng pagiging pinakamataas na teenage pregnancy sa Pilipinas maging sa buong Asya.
Ayon kay Archbishop Cruz, habang lumilipas ang panahon ay nawawala na ang magagandang kultura ng mga Pilipino dahil sa epekto ng pagiging 3rd world countries.
“Kaya bumaba ‘yung moralidad dito sa atin sa Pilipinas dahil third world country kasi tayo kaya ini-invade tayo ng mga value system ‘yung moral value system na galing sa 1st world countries,” paliwanag ni Archbishop Cruz sa Radio Veritas.
Sinabi ng Arsobispo na lahat na lamang ay ginaya ng mga Filipino kahit ang masasamang pag- uugali at moralidad tulad ng population control, same sex marriage at iba pa.
“Ganyan din sa RH Bill galing sa labas ‘yan, ‘yung same sex marriage galing din sa labas ‘yan, ‘yung population control bill. So dumadayo dito sa ating bansa at ang mga Pilipino naman niyayakap ‘yang ganyang maling aral at mga value system .” paliwanag ng Arsobispo
Naniniwala din ang Arsobispo na malaki rin ang epekto sa mga kabataan ng mga napapanuod sa telebisyun na mga immoral na palabas at maging ang mga nakikita sa social media.
Dahil dito hamon ng arsobispo na malaki ang responsibilidad dito ng mga katoliko at pribadong paaralan..
Umaasa ang Arsobispo na matutukan ito maging sa mga pampublikong paaralan upang tumaas ang moralidad ng mga kabataan at hindi maging ina at ama sa maling panahon.
Mula sa datos ng United Nations Population Fund mula 2011 tumaas sa 70- porsiyento ang kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas na umaabot sa 195,662 kada taon o 53-naipanganak na sanggol mula sa 100 mga kabataang babae na may edad na 15 hanggang 19 na taong gulang