Mabibigat na hamon sa lipunan, nangangailangan ng sama-samang pagtugon-OFM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,258 total reads

Nanawagan ang Minister Provincial ng Province of San Pedro Bautista–Philippines ng Order of Friars Minor (OFM) na pairalin ang pagkakapatiran, diyalogo, at kapayapaan sa gitna ng lumalalim na kahirapan, katiwalian, at pagkakahati-hati ng lipunan sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Portiuncula o Assisi Pardon at Kapistahan ng Our Lady of the Angels ngayong August 2, kasabay ng Jubilee Year ng paggunita sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco ng Assisi, kinilala ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, ang mabibigat na hamon sa lipunan na nangangailangan ng sama-samang pagtugon na nakaugat sa Ebanghelyo at sa halimbawa ng tagapagtatag ng Orden ng mga Pransiskano.

“Our beloved Philippines continues to face many challenges. We witness the widening gap between the rich and the poor, the continuing effects of corruption, political division that weakens our sense of nationhood, the spread of misinformation and hatred, violence against the vulnerable, and the destruction of our common home through environmental degradation,” ayon kay Fr. Redoblado.

Ayon sa pari, sa kabila ng kahirapan, katiwalian, pagkakahati-hati ng lipunan at paglaganap ng maling impormasyon, nananatiling buhay ang pag-asa sapagkat ipinapaalala ng Portiuncula na ang Diyos ay gumagawa ng mga dakilang bagay sa pamamagitan ng maliliit na tao at payak na mga lugar.

“Yet the little chapel of the Portiuncula reminds us that God always begins great things through little people and little places,” aniya.

Hinikayat ni Fr. Redoblado ang bawat Kristiyano na isabuhay ang kababaang-loob at paglilingkod bilang tugon sa umiiral na kultura ng paghahati-hati at hidwaan.

“Like St. Francis, we are invited to become a people of humility rather than domination, service rather than privilege, dialogue rather than division, and mercy rather than condemnation,” dagdag pa ng OFM Provincial.

Binigyang-diin din ng pari na ang biyaya ng Assisi Pardon ay paanyaya sa tunay na pagbabalik-loob at pakikipagkasundo sa Diyos, sa kapwa at sa sangnilikha.

“The Assisi Pardon proclaims that no one is beyond God’s forgiveness and that every person can begin anew. It reminds us that reconciliation with God must also lead to reconciliation with one another and with creation,” saad ni Fr. Redoblado.

Kasabay nito, hinimok niya ang mga Pransiskano at ang lahat ng mananampalataya na maging mga tulay ng pagkakapatiran sa isang lipunang higit pang nahahati dahil sa polarisasyon.

“As Franciscans, we are called to become bridges of fraternity in a society increasingly marked by polarization. We must resist every form of violence, falsehood, and indifference,” giit ng pari.

Binigyang-diin pa niya na, tulad ni San Francisco na tumawid sa gitna ng digmaan upang makipagtagpo sa Sultan sa diwa ng kapayapaan, dapat ding maging mga tagapagtaguyod ng pakikipagdayalogo, katarungan, at kapayapaan ang bawat Kristiyano sa kanilang pamilya, pamayanan, lugar ng trabaho, at sa buong bansa.

Hiniling din ng OFM Provincial na maging isang “buhay na Portiuncula” ang bawat pamayanan, parokya, paaralan, at pamilya—mga lugar na tumatanggap sa mahihirap, nagpapamalas ng awa, nagpapagaling ng hidwaan, gumagalang sa sangnilikha, at nagdadala sa mga tao kay Kristo.

Dalangin ni Fr. Redoblado na pagkalooban ng Panginoon ang Pilipinas ng karunungan, katarungan, kapayapaan, pagkakaisa at pag-asa sa pamamagitan ng panalangin ng Mahal na Birhen ng mga Anghel at ni San Francisco ng Assisi.

Isinagawa ang pagdiriwang sa replica ng Portiuncula Chapel ng Assisi sa loob ng Our Lady of the Angels Seminary sa Bagbag, Quezon City. Naging natatangi ang pagdiriwang ngayong taon dahil sa paggunita ng mga Pransiskano sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco ng Assisi, na nagsisilbing paalala ng kanyang pamana ng kababaang-loob, awa at kapayapaan para sa Simbahan at sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 121,606 total reads

 121,606 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 165,504 total reads

 165,504 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 215,258 total reads

 215,258 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 374,454 total reads

 374,454 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 396,053 total reads

 396,053 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top