Pax Silica, nakaugat dapat sa katarungan, katotohanan at dignidad ng tao-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,832 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang “Pax Silica” ay hindi dapat maging simbolo lamang ng pag-unlad sa teknolohiya kundi ng isang kapayapaang nakaugat sa katotohanan, katarungan, at dignidad ng tao.

Sa kanyang pagninilay na may titulong “What’s in a Name?”, ipinaliwanag ng Cardinal na ang salitang Pax ay nangangahulugang kapayapaan, ngunit ang mga naunang panahon tulad ng Pax Romana, Pax Britannica, at Pax Americana ay nakasalalay sa kapangyarihan ng malalakas na bansa.

Ayon kay Cardinal David, ang umuusbong na “Pax Silica” ay tila isang bagong kaayusang pandaigdig na pinangungunahan ng silicon, semiconductors, artificial intelligence, at iba pang digital technologies.

Gayunman, sinabi ng Cardinal na bagama’t malaki ang maitutulong ng artificial intelligence sa medisina, edukasyon, siyensya, at pag-unlad ng lipunan, maaari rin itong magamit sa disinformation, cyberattacks, surveillance, at mas mapanirang uri ng digmaan.

“Technology itself is morally neutral. It amplifies the intentions of those who wield it,” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ng Cardinal ang paalala ni Pope Leo XIV sa Magnifica Humanitas na higit na mahalaga ang moral na direksyon ng tao kaysa sa kakayahan ng teknolohiya.

“The decisive question is not, ‘What can artificial intelligence do?’ but ‘What kind of human beings are we becoming?'” Dagdag pa ni Cardinal David.

Ipinaalala rin ni Cardinal David ang turo ni Pope Francis sa Fratelli Tutti na hindi makakamit ang tunay na kapayapaan kung paiiralin lamang ang kompetisyon ng mga bansa.

Sa huli, iginiit ni Cardinal David na ang tunay na “Pax Silica” ay maisasakatuparan lamang kung ang digital revolution ay gagabayan ng katotohanan, diyalogo, katarungan, at kapayapaan.

Paliwanag ng Cardinal na sa ganitong paraan lamang magiging bahagi ang teknolohikal na pag-unlad ng tinatawag ni Pope Leo XIV na “civilization of love,” sa halip na maging panibagong yugto ng kultura ng kapangyarihan at tunggalian.

“The aspiration for a genuine Pax Silica will not be fulfilled by silicon alone… It will be fulfilled only if the digital revolution is guided by truth rather than propaganda, dialogue rather than polarization, cooperation rather than domination, justice rather than exploitation, and peace rather than war.” Pagbabahagi ni Cardinal David.

Paalala ng Simbahan na ang tunay na pag-unlad ng teknolohiya ay nararapat laging magsilbi sa tao, sa kabutihang panlahat, at sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakapatiran ng buong sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 121,666 total reads

 121,666 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 165,560 total reads

 165,560 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 215,314 total reads

 215,314 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 374,510 total reads

 374,510 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 396,108 total reads

 396,108 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top