Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Madre, nagpahayag ng pagkabahala sa Maharlika Investment Fund

SHARE THE TRUTH

 1,359 total views

Nagpahayag ng pagkabahala si Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB kaugnay na magamit lamang sa katiwalian ang panukalang pagbubuo ng Maharlika Investment Fund.

Ayon sa Madre na isa ring convenor ng Movement Against Tyranny, malaking posibilidad na magamit ang naturang pondo sa katiwalian lalo na’t marami pa ring bahagi sa nasabing panukala ang hindi malinaw.

Binigyang diin ni Sr. Mananzan na hindi dapat magmula sa pondong pinaghirapan ng mamamayan ang gagamitin sa naturang panukala lalo’t nakalaan ito sa kanilang pagreretiro.

“I think the sources of this fund should not come from funds designated for specific purposes but since this is the case of the Maharlika fund the bill should not be approved. There is also a great possibility that this fund will serve as another source of corruption.”pahayag ni Sr. Mananzan, OSB sa Radio Veritas.

Matatandaang orihinal na kabilang sa pagmumulan ng pondo para sa panukalang House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na mariing tinutulan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ayon sa may akda at nagsusulong ng Maharlika Wealth Fund Act na sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos layunin ng panukala na i-maximize ang profitability o puwedeng tubuin na government assets na maaring i-invest ng pamahalaan.

Dahil sa malakas na pagtutol, nagdesisyon ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na i-amend ang panukala sa pamamagitan ng pag-alis sa GSIS at SSS na pagkukunan ng pondo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,524 total views

 12,524 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,624 total views

 20,624 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,591 total views

 38,591 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,875 total views

 67,875 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,452 total views

 88,452 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 40 total views

 40 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 860 total views

 860 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,352 total views

 6,352 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top