Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magtulungan sa halip na magyabangan at mag-away

SHARE THE TRUTH

 326 total views

April 4, 2020, 10:48AM

Binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na dapat magkaisa ang lahat ng mamamayan sa pagtugon sa krisis na idinudulot ng corona virus disease.

Ayon sa obispo, ito ang pagkakataong isantabi ang kritisismo upang mas mabigyang pansin ang pangangailangan ng mamamayan na apektado sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“This is the time for cooperation, not to be critics; to collaborate, not to be competitors. Let us unite to succeed, work together for eradication of this Covid19,” mensahe ni Bishop Santos.

Iginiit ni Bishop Santos na hindi ito ang pagkakataon upang magbangayan sa halip ay pairalin ang pakikipagkapwa at katapatan partikular na sa mga naninilbihan sa bayan.

Aniya, mahalagang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng sektor sa lipunan sa paglutas ng suliranin na idinudulot ng COVID 19 sapagkat lahat ay apektado.

“With those bickering which will just divide or confuse our people, it is better to stay calm, conscientious and compassionate,” saad ni Bishop Santos.

Pagbabahagi pa ng obispo na ang simbahan at sangguniang panlalawigan ng Bataan ay nagkaisa at nagtulungan sa pagbibigay ayuda sa mga apektadong pamilya partikular sa paghahatid ng pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.

“Here in Bataan, the Church and Provincial Capitol, are partners; we consider ourselves as helpmates,” ayon kay Bishop Santos.

Dahil dito, nag-alay ng panalangin ang obispo para sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at sa lahat ng mga lingkod bayan na sa tulong ng Diyos ay magabayan, lalawak ang karunungan at maging ligtas sa pagtugon sa krisis at paghahatid ng serbisyo sa mamamayang nasasakupan.

Kaugnay dito patuloy ang pagkilos ng simbahan upang abutin ang mga mamamayan na labis na apektado dulot ng quarantine kung saan sa pamamagitan ng Caritas Manila at sektor ng mga negosyanteng nagpamahagi ng mahigit isang bilyong pisong halaga ng mga gift certificate partikular sa National Capital Region at karatig lalawigan.


Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 24,394 total views

 24,394 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 32,494 total views

 32,494 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 50,461 total views

 50,461 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 79,537 total views

 79,537 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 100,114 total views

 100,114 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,930 total views

 4,930 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,537 total views

 10,537 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,692 total views

 15,692 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top