Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayang apektado ng pagmimina, nanawagan ng rescue sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 3,237 total views

Nanawagan para sa agarang kaligtasan ang mga pamayanang apektado ng pagmimina sa mga lalawigan ng Palawan, Romblon, South Cotabato, at Surigao del Sur.
Ayon kay Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) advocacy coordinator Maya Quirino, lumalaki ang pangamba ng mga apektadong pamayanan sa bansa kaugnay sa pagdami ng mga proyekto sa pagmimina dulot ng pandaigdigang pangangailangan para sa transition minerals tulad ng copper, nickel, at iba pa, na mahalaga sa paglikha ng renewable energy.

Sinabi ni Quirino, na siya ring coordinator ng SOS Yamang Bayan Network, na mahalagang bigyang-pansin at tutukan ito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa kaligtasan at kapakanan ng mga pamayanan lalo na sa mga lupaing ninuno ng mga katutubo.

“The risks posed by the transition minerals boom to local communities are high with an estimate 60% of our mineral reserves overlapping with ancestral domains, and five kinds of transition minerals present across these lands. It is urgent for the Marcos administration to enact robust policy safeguards for the rights, welfare, and environment of mining-affected communities,” pahayag ni Quirino.

Sa ginanap na SOS Yamang Bayan Network General Assembly sa Quezon City, nagtipon ang mga environmental advocate, mga lider ng simbahan, at mga katutubo upang muling ipahayag ang mga hinaing hinggil sa hindi tamang proseso ng mga kumpanya ng pagmimina.

Partikular dito ang kawalan ng konsultasyon hanggang sa paglabag sa mga batas at karapatan ng mga apektadong komunidad.

Ibinahagi naman ni Baywatch Foundation member Christell Yparraguirre na patuloy na nagdudulot ng pangamba sa Caraga Region ang insidente ng karahasan at pananakot laban sa mga lider na tumututol sa pagmimina.

Magugunita noong Setyembre 22, 2024 nang paslangin sina Alberto Cuartero, kapitan ng Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur at kasamang si Ronde Arpilleda Asis na kabilang sa mga saksing tumestigo sa korte at nagbunyag ng pekeng exploration permit ng Tribu Manobo Mining Corporation (TMMC).

“Caraga as the mining capital region of the Philippines makes it also a hotspot of violence against environmental human rights defenders who resist the multitude of nickel and other mines here,” ayon kay Yparraguirre.

Batay sa Global Witness, ang Pilipinas ay nananatiling pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga environmental activist, na may pinakamataas na bilang ng mga pagpatay mula 2012 hanggang 2023.

Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mamamayan at mga may katungkulan sa pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang walang kabuluhang pakikitungo sa mga environmental defender at mga katutubo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 6,473 total views

 6,473 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 17,548 total views

 17,548 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 23,881 total views

 23,881 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 28,495 total views

 28,495 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 30,056 total views

 30,056 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Obispo ng Virac, umapela ng dasal

 232 total views

 232 total views Umapela si Virac Bishop Luisito Occiano sa mga pari at mananampalataya ng diyosesis na magkaisa sa pananalangin habang papalapit sa bansa ang Bagyong Nika. Labis na nag-aalala si Bishop Occiano sa posibleng epekto ng bagyo sa lalawigan at mga tao, kaya’t binigyang-diin niya ang pangangailangan ng sama-samang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 1,061 total views

 1,061 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 1,757 total views

 1,757 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 2,377 total views

 2,377 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipatigil ang lahat ng mining project, hamon ng ATM sa pamahalaan

 2,761 total views

 2,761 total views Nananawagan sa pamahalaan ang Alyansa Tigil Mina na ihinto na ang mga mining project sa Pilipinas dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakunang dumadaan sa bansa. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, patuloy na lumalakas at dumadalas ang epekto ng mga bagyo sa bansa dahil sa climate change. Iginiit

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

 3,174 total views

 3,174 total views Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas. Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura. Ayon

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 4,369 total views

 4,369 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 3,628 total views

 3,628 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

 3,966 total views

 3,966 total views Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas. Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

 3,955 total views

 3,955 total views Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan. Sinabi ni Archbishop

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

UNDAS, isang pag-alala at pagpaparangal

 4,010 total views

 4,010 total views Ipinaalala ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang kahalagahan ng pagpaparangal at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, gayundin sa mga santong namuhay nang may kabanalan. Ito ang mensahe ni Bishop Maralit kaugnay sa paggunita sa Undas ngayong taon—ang All Saints’ Day o Araw ng mga Banal sa November 1

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

 4,320 total views

 4,320 total views Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon. Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nakiisa sa mapayapa at maayos na UNDAS 2024

 5,195 total views

 5,195 total views Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon. Kasabay ng pag-alala at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ng mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na maging maingat laban sa mga mapagsamantalang maaaring samantalahin

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

 6,002 total views

 6,002 total views Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna. “Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Malawakang pagbaha sa Bicol region: Dulot ng pagkasira ng kalikasan, pagbabaw ng ilog at lawa

 6,092 total views

 6,092 total views Ipinaliwanag ng isang pari at tanyag na Bicolano author ang nangyaring malawakang pagbaha sa Bicol Region sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Ayon kay Fr. Wilmer Tria, kura paroko ng St. Raphael the Archangel Parish sa Pili, Camarines Sur, ang pagbaha sa Bicol ay dahil sa kombinasyon ng heograpiya, klima, at mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top