Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinamong pahalagahan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

 4,552 total views

Hinamon ng Caritas Borongan ang bawat isa na higit na pahalagahan at pangalagaan ang inang kalikasan sa gitna ng lumalalang epekto ng climate change.

Ito ang sinabi ni Fr. James Abella, direktor ng social arm ng Diyosesis ng Borongan, Eastern Samar kaugnay sa epekto ng walang tigil na pag-uulan dala ng low pressure area at nagpalubog sa mga lugar sa Eastern Visayas.

Ayon kay Fr. Abella, hindi na dapat pang hintayin ng mga tao na madagdagan pa ang mga pinsalang nalilikha ng pagbabago ng klima ng daigdig upang hindi na ito humantong sa mas matinding pagsisisi.

“Nakikita naman natin ngayon na paparami na ‘yung mga bagyo, at nakikita din natin ‘yung epekto nito na papalakas. Kaya siguro, stop na natin, alam naman natin kung ano ‘yung tamang gawin sa kalikasan. Dapat nating mahalin, dapat nating protektahan, dapat natin talagang alagaan. Kasi sa mga panahong ito, kalikasan din ‘yung kakampi natin.” pahayag ni Fr. Abella sa panayam ng Radio Veritas

Nabanggit ng pari na isa sa mga suliranin sa kalikasan sa Eastern Samar ang walang pakundangang pagpuputol ng mga punongkahoy sa kagubatan na dahilan ng nangyayaring malawakang pagbaha sa lalawigan.

Iginiit ni Fr. Abella na dahil sa kapabayaan at labis na pang-aabuso ng mga tao, ang kalikasan na dapat nangangalaga sa sangkatauhan ang siya ring nagiging sanhi ng kapahamakan sa buhay ng bawat isa.

Kaya naman panawagan nito sa publiko ang sama-samang pagtutulungan upang mapanumbalik ang dating sigla at ganda ng nag-iisang tahanan nang sa gayon ay magampanan din ng mga tao ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

“This is a challenge, a reminder, and siguro panawagan na rin sa lahat ng mga kapanalig natin na sana magtulungan tayo. Stop na natin ‘yung mga bagay na hindi makakatulong sa atin lalo na ‘yung pagputol ng mga puno.” giit ni Fr. Abella.

Sa mensahe ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’, iginiit ng Santo Papa na ang kalikasan ay biyayang ipinagkaloob ng Diyos hindi upang abusuhin sa ngalan ng ating mga pansariling kagustuhan, kun’di upang parangalan din ang Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 227,586 total views

 227,586 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 292,716 total views

 292,716 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 253,336 total views

 253,336 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 313,439 total views

 313,439 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 333,391 total views

 333,391 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 359 total views

 359 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 28,230 total views

 28,230 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »
Scroll to Top