Mapagkalingang komunidad, susi sa tagumpay ng isang mamamayan

SHARE THE TRUTH

 6,417 total views

Isinulong ni Caritas Philippines Executive Director Father Carmelo “Tito” Caluag ang mahalagang papel ng pagmamahalan upang maitaguyod ang angking kagalingan ng mga tao sa lipunan.

Ayon sa Pari, sa pamamagitan ng pagmamahal, pagkalinga at pakikipagkapwa ay nagkakaroon ang mga komunidad ng pagkakataon na mahubog ang mga kabataan tungo sa maayos na landas.

Dahil dito, inihayag ni Father Caluag na naipapasa sa kapwa at sa susunod na henerasyon ang mga katangian na maghuhubog sa bayan tungo sa sama-samang pagtatagumpay sa ibat-ibang larangan.

“Mayroon isang bagay na pare-pareho dito sa mga taong nakagawa ng napakamangha-manghang achievement, lahat sa kanila ay kinalinga sa isang mapagkalingang komunidad na binigyan sila ng pagkakataon na pinalabas ang kanilang galing,” ayon sa mensahe ni Fr.Caluag.

Sa pamamagitan din ng pagmamahal sa kapwa ay higit na naipapakita sa buong mundo ang pagiging kristiyano ng mga mananampalataya sa kung saan naipapalaganap sa mundo ang mundo ang ebanghelyo at mabuting balita ng Panginoon.

“Bahagi ng pagkalinga namin sa inyo ay yung pagtuturo ng disiplina, pagtuturo ng kabutihang asal bukod sa mga kagalingan, kaalaman ay mahalaga din ito, pero higit sa lahat ay sana naturuan namin kayong magmahal sa kapwa, sa isat-isa bilang magkakasama sa paglalakabay, pagmamahal sa pamilya, kung para kanino niyo ginagawa lahat ng ito, kung papaano kayo nagtiyaga upang magkaroon kayo ng pagkakataon na mapabuti ang inyong pamilya, ang inyong mga buhay,” ayon pa sa mensahe ni Fr.Caluag.

Pangunahing ipinarating ni Fr. Caluag ang mensahe sa mga nagsipagtapos ngayong taon sa Magna Anima Teachers College at Alay Kapwa Community Schooling.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 18,744 total views

 18,744 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 29,372 total views

 29,372 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 50,395 total views

 50,395 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 69,214 total views

 69,214 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 101,763 total views

 101,763 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top