246 total views
Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na gawing mabunga at makabuluhan ang paggunita ng mahal na araw.
Ayon kay Father Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng komisyon, mahalaga ito upang makatugon ang mga kabataan sa panawagan at selebrasyon ng Simbahang Katolika sa taon ng awa at habag.
Umaasa ang pari na ang mga kabataan ay maging maunlad ang buhay pananamplataya sa Diyos lalu na ngayong panahon na ang Pilipinas ay nahaharap sa maraming problema at mahirap na usapin.
Sinabi ng pari na sa pamamagitan ng pagpapalago ng mga kabataan sa buhay pananampalataya ay magkakaroon sila ng tunay na kakayahang harapin ang mga kinakaharap na isyu at usapin ng ating bansa tulad ng nalalapit na halalan sa ika-9 ng Mayo, 2016.
“Paalala lang na baka makapagdala pa ang mga kabataan ng isa o marami pang kabataan na with this direction na maging spiritually meaningful itong panahon ng kuwaresma o mahal na araw. Nang sa gayun mayroong pagkakataon ang inyong transformation specially that we are looking forward to important events for us Filipinos like maghahanda tayo sa coming national election and then we are confronted with several issues concerning the economy, concerning work and many other things. So I hope that our young people will be engaged and enriching or nourishing or nurturing their spiritual life,” panawagan ni Father Garganta.
Hinikayat ni Father Garganta ang mga kabataan na maging aktibo sa kanilang mga parokya, sa pagsasagawa ng mga visita iglesia at paglahok sa mga programa ng tulad ng mga recollections at retreats.
“Our young people are looking forward to this number of days at least or it is almost more than a week and them to have vacation from work, from school. Im very hopeful and positive because what im hearing from good number of them are considering joining their parish for visita iglesia, some are also finding avenues or places were they can have 1 day retreat or one day recollection,” pahayag ng pari sa Radio Veritas.
Inihayag ni Father Garganta ang kahalagahan ng tunay na paghubog sa mga kabataan na kumakatawan sa 52.7-percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.