Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga laiko, buo ang suporta sa mga Pastol ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

 322 total views

Nanindigan ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa patuloy na pagsuporta at pagsunod sa mga lingkod ng Simbahan sa kabila ng hindi pagiging perpekto maging ng mga Pari at iba pang mga pastol ng Simbahang Katolika.

Paliwanag ni Maria Julieta Wasan, Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, makasalanan at mayroong sadyang taglay na kahinaan ang bawat nilalang maging ang mga lingkod ng Simbahan kaya’t dapat na suportahan at magsilbing lakas sa kanilang pagtupad sa tungkuling maging mabuting pastol sa mga mananampalataya.

Iginiit ni Wasan na kailangan ng mga lingkod ng Simbahan ng mga katuwang sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo kaya’t hindi naaangkop na ang mga layko ang unang humatol at humusga sa pangkabuuang kredibilidad ng lahat ng mga pastol ng Simbahan.

“Naniniwala ako, makasalanan tayong lahat at tayo man bilang layko ay makasalanan kaya dapat na mas malakas ang ating pagsuporta sa ating mga kaparian sapagkat kailangan nila tayo, kailangan nila ng kakampi at kung tayo mismo ang hahatol sa kanila parang napaka-pangit, so sa atin manggagaling yung lakas na pangangailangan nila…” pahayag ni Wasan sa panayam sa Radyo Veritas.

Naniniwala rin si Wasan na nararapat na makibahagi ang mga layko sa mga gawaing makapagsusulong ng pagpapaangat sa buhay at dignidad ng bawat mamamayan sa bansa.

Binigyan diin ng Pangulo ng Sangguniang Laiko na mahalaga ang pakikilahok ng mga layko sa mga gawaing nagpapahayag ng paninindigan para sa kapakanan ng mga Filipino tulad ng pagbibigay galang at pagpapahalaga sa mga pinaniniwalaan at pinananampalatayaan ng bawat isa.

Tinukoy ni Wasan na ang mga nagaganap na karahasan sa lipunan ay isang hindi magandang representasyon ng pagiging Kristiyano ng mga Filipino.

“Inaasahan ko na ang mga layko ay makikiisa at makikilahok sa mga gawain na talaga namang nagpapababa ng pananaw sa Filipino kung titingnan natin sa ibang bansa parang wala ng dignidad ang bawat Filipino dahil sa mga nangyayari dito sa ating bansa na ultimo Pari ay pinapatay ng nagmimisa, hindi ganun ang Katoliko, hindi ganun ang Filipino kaya dapat lamang na makiisa ang mga layko…” Dagdag pa ni Wasan.

Naninindigan si Wasan na kailangan ng mga lingkod ng Simbahan ng katuwang sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo kaya’t naaangkop na manindigan at gumawa ng kongkretong hakbang ang mga layko para panatilihing sagrado ang pananampalatayang Katoliko.

Ang Sangguniang Layko ng Pilipinas ay binubuo ng iba’t-ibang grupo ng laiko mula sa 86 mga diyosesis sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,688 total views

 15,688 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,788 total views

 23,788 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,755 total views

 41,755 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,987 total views

 70,987 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,564 total views

 91,564 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 335 total views

 335 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,155 total views

 1,155 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,971 total views

 11,971 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top