Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Misyong Pilipino retreat, biyaya sa mananampalatayang Pilipino sa Gitnang Silangan

SHARE THE TRUTH

 2,304 total views

Itinuring na paalala ng mga Pilipino sa Middle East ang isinasagawang Misyong Pilipino retreat.

Ayon kay Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi Director Rommel Pangilinan, pagpapaigting din ito sa pananampalataya lalo’t minorya lamang ang mga kristiyano sa lugar.

“Lubos ang pasasalamat sa Diyos dahil itong retreat na ito ay isang pagpapaala ng aming matibay na pananampalataya sa Diyos sa kabila ng mga hamon sa Gitnang Silangan.” pahayag ni Pangilinan sa Radio Veritas.

Pinangunahan ni Fr. Hans Magdurulang ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene ang series of retreat sa United Arab Emirates na layong higit mapalalim ang pananampalataya ng mga Pilipinong kristiyano sa lugar.

Tema sa pagtitipon ngayong taon ang ‘Pagbabalik…Pagbabagong Buhay!’ lalo’t ngayon lang muling naisagawa ang Misyong Pilipino retreat makalipas ang tatlong taong pag-iral ng COVD-19 pandemic.

Ginana sa St. Paul Church sa Mussafah ang unang retreat noong September 25 hanggang 28 na sinundan sa St. John the Baptist Parish sa Ruwais noong September 29 hanggang October 1 habang October 3 hanggang 6 naman sa St. Joseph Cathedral sa Abu Dhabi.

Noong 2019 naitala sa lugar ang halos isang milyong katoliko lalo na noong dumalaw ang Santo Papa Francisco kung saan nasa 700, 000 rito ay mga Pilipinong mananampalataya.

Una nang kinilala ng santo papa ang mga migranteng Pilipino bilang smugglers of faith dahil sa kanilang pakikisangkot sa misyong dalhin ang mabuting balita sa pamayanan lalo na sa lugar na kanilang kinabibilangan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.(norman)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 21,380 total views

 21,380 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 29,480 total views

 29,480 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 47,447 total views

 47,447 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 76,561 total views

 76,561 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 97,138 total views

 97,138 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,660 total views

 4,660 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,267 total views

 10,267 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,422 total views

 15,422 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top