Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Molbog tribe ng Palawan, humiling ng suporta sa simbahan at civil society groups

SHARE THE TRUTH

 15,106 total views

Mariing kinondena ng Sambilog-Balik Bugsuk Movement ang patuloy na pananakot, pang-uusig, at banta ng sapilitang pagpapalayas sa 282 residente ng Sitio Marihangin, Barangay Bugsuk, Balabac, Palawan, kaugnay ng isinampang kaso na nakatakda sa pagdinig ngayong December 11, 2025 sa Brooke’s Point Regional Trial Court.

Sa pahayag, iginiit ng Molbog tribe na hindi nila kailanman iniwan ang Marihangin dahil dito ipinanganak, lumaki, at inilibing ang kanilang mga ninuno.

“Ito ang aming tahanan, aming kabuhayan, aming sambahan, at libingan ng aming mga ninuno. Ngunit sa loob ng maraming taon, paulit-ulit kaming hinaharass at tinatanggalan ng karapatan sa lupa at karagatang ninuno,” pahayag ng Sambilog.

Inilarawan ng mga katutubo ng Sitio Marihangin ang matagal nang panggigipit, kabilang ang paglusob ng mahigit isang daang armadong guwardiya sa nagdaang taon, na pinaniniwalaang mga tauhan ng San Miguel Corporation.

Binanggit din ng grupo ang magkakasunod na kaso laban sa 20 residente, kabilang ang grave coercion, direct assault, cyberlibel at illegal fishing, at hanggang ngayon, nakakulong pa rin sa Iwahig Penal Colony ang sitio leader na si Oscar “Tatay Ondo” Pelayo.

Giit ng grupo, mali ang pagtawag sa kanila bilang “squatter” at “informal settler,” lalo’t kinilala na noong 2011 ng Sandiganbayan ang paglabag sa kanilang karapatan nang pagmultahin ang dating alkalde ng Balabac dahil sa hindi paghingi ng Free, Prior and Informed Consent (FPIC) bago pahintulutan ang Jewelmer Corporation na magsagawa ng pearl farm operation sa karagatang ninuno.

Dagdag pa rito, nakabinbin pa rin mula 2005 ang kanilang aplikasyon para sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) sa National Commission on Indigenous Peoples.

“Ang pinakabagong kaso ngayon ay isa lamang panibagong paraan para takutin at palayasin kami sa aming sariling tahanan,” ayon sa grupo.

Ayon sa Sambilog, konektado ang kaso sa planong 25,000 ektaryang luxury tourism project ng SMC, na mabilis nakakuha ng Environmental Compliance Certificate, Strategic Environment Plan Clearance, Certificate of Non-Overlap, at pagbaliktad ng Department of Agrarian Reform sa Notice of Coverage sa mga apektadong lupain.

Sa huli, nanawagan ang grupo sa mamamahayag, Simbahan, civil society groups at iba pang mamamayan na manindigan kasama ang 282 residente ng Marihangin upang ipagtanggol ang buhay, tahanan at dignidad ng buong komunidad.

“Hindi kami aalis. Hindi kami matatakot. Sa amin ang Marihangin,” giit ng grupo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 38,410 total views

 38,410 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 54,582 total views

 54,582 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 94,293 total views

 94,293 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 154,568 total views

 154,568 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 166,860 total views

 166,860 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 35,146 total views

 35,146 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »
Scroll to Top