Muling pag-alabin ang diwa ng EDSA People Power bloodless revolution-CEAP

SHARE THE TRUTH

 9,201 total views

Naniniwala ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nananatiling buhay at napapanahon ang diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution sa kasalukuyan.

Ito ang mensahe ng pambansang asosasyon ng mga Katolikong paraalan sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero.

“The Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) believes that the spirit of the 1986 EDSA People Power Revolution remains alive today.” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Ayon sa CEAP hindi dapat na isantabi ang naganap na ‘bloodless revolution’ noong 1986 na isang pambihirang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na hinangaan sa buong daigdig.

Noong Pebrero taong 1986 sa harap ng mga tangke at ng militar ay dumagsa sa EDSA ang mamamayan mula sa iba’t-ibang antas ng lipunan kasama ang mga lingkod ng Simbahan at nagkaisa sa pananalangin para sa mapayapang pagkamit ng demokrasya ng bansa mula sa diktadurya sa ilalim ng rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Paliwanag ng CEAP, napapanahon na muling pag-alabin ang malalim na pagmamahal sa bayan ng bawat isa lalo na para sa nalalapit na Midterm Elections sa ika-12 ng Mayo, 2025.

“The EDSA spirit is a shining moment in our life and history as a people. It showed the world what is best in the Filipino, how we can transcend ourselves and sacrifice for our country, how we choose peace over violence. We urgently need to re-ignite this spirit today, especially in the upcoming May elections, and in our daily exercise of our rights, freedoms, and responsibilities.” Dagdag pa ng CEAP.

Kaugnay nito, tiniyak ng CEAP ang patuloy na pagsusulong sa diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng patuloy na pagbabahagi sa mga kabataan ng mga tunay na naganap noong panahon ng batas military, pag-aalay ng banal na misa para sa demokrasya ng bansa, at pagsuspendi ng klase at trabaho upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral at kawani ng mga miyembrong paraalan na makibahagi sa mga gawaing may kaugnayan sa EDSA People Power Revolution.

“CEAP schools therefore recommit to the EDSA spirit. We shall be courageous, creative, and community-centered in our celebration, considering options likes the following Eucharistic celebrations, suspension of classes and work on February 25, alternative classes, commemorative conferences and fora, reflection sessions and conversations, community outreach and socio-cultural events.” Ayon pa sa CEAP.

Tiniyak din ng CEAP ang paninindigan laban sa anumang tangkang pagsasantabi sa isa sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Giit ng CEAP, “The 1986 EDSA People Power revolution shall always be a constitutive dimension of learning of our students. Philippine and Catholic education shall never be without it. CEAP shall push back all attempts to deny, distort, downgrade, and devalue it in our schools, in our communities, and in our life as a nation.” pahayag ng CEAP

Sa tala ng Amnesty International, aabot sa mahigit 34,000 Filipino ang dumanas ng pang-aabuso at iba’t-ibang uri ng karahasan bukod pa sa 70,000 na mga nakulong at mahigit 3,200 pinaslang sa maituturing na madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng Batas Militar.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 34,430 total views

 34,430 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 76,644 total views

 76,644 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 92,195 total views

 92,195 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 105,334 total views

 105,334 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 119,746 total views

 119,746 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top