Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Online Bible Festival’, gaganapin sa Bible Month-ECBA

SHARE THE TRUTH

 518 total views

Hangad ng Biblical Apostolate ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na higit palalimin ang kamalayan ng mananampalataya sa mga Salita ng Diyos upang malagpasan ang iba’t ibang hamon at pandemya sa lipunan.

Ayon kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, chairman ng CBCP-ECBA, magsasagawa ng Bible Festival ang bansa bilang paggunita sa National Bible month.

Layunin nitong mamulat ang mamamayan at magkaisang tumugon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan na nakakaapekto sa moralidad at dignidad ng tao.

“Ang Bible Festival ay layong makatutugon tayo sa iba’t ibang uri ng pandemya sa lipunan maliban sa COVID-19, ang pandemya ng kasakiman, karahasan, at kawalang paggalang at pagpahalaga sa buhay ng tao,” pahayag ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.

Umaasa ang obispo na makatutugon ang mananampalataya sa makataong pamamaraan na sumasalamin sa Kadakilaan ng Diyos at mapanumbalik sa kaisipan at kamulatan ng lahat ng mananampalataya ang gawain bilang tao na nilikha ng Panginoon.



Nais din ng simbahan na sa pamamagitan ng Bible Festival ay maipalaganap ‘online’ ang mga Salita ng Diyos.

“Objective rin ng Bible Fest na ito, is to flood the virtual world with the Word of God,” dagdag ng obispo.

Gaganapin ang Bible Festival sa Enero 23 hanggang 25 na may temang ‘God’s Word Restores’.

Ayon pa kay Bishop Bancud, bawat araw ay may temang inilaan kung saan sa Enero 23 nakatuon ito sa ‘The Healing Power of God’s Word; sa 24 naman ang ‘The Uniting Power of God’s Word, at sa huling araw ang ‘The Transforming Power of God’s Word’.

Ang Bible Festival ay inisyatibo ng CBCP-ECBA, Philippine Bible Society, National Council of Churches in the Philippines, at ng Philippine Council of Evangelical Churches.

Ito rin ay bunga sa ginanap na ‘Year of Ecumenism, Interreligious Dialouge and Indigenous People’ noong 2020 ang paksa sa ikawalong taon ng paghahanda sa 500 Years of Christianity.

Matutunghayan ang Bible Festival sa Facebook Page ng CBCP, CBCP-ECBA at Radyo Veritas PH.

Taong 2017 nang ideklara ang buwan ng Enero bilang ‘National Bible Month’ sa bisa ng Presidential Proclamation No. 124 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 14,992 total views

 14,992 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 23,307 total views

 23,307 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 42,039 total views

 42,039 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 58,316 total views

 58,316 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 59,580 total views

 59,580 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 1,825 total views

 1,825 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top