Online session on geo-tagging at mapping, pinangunahan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,219 total reads

Pinangunahan ng Caritas Philippines ang isang learning session na nagbahagi ng kaalaman at kasanayan sa geo-tagging at mapping sa mga social action centers sa bansa.

Ito ang 5th Online Kalikasan Learning Session on Geo-tagging and Mapping na isinagawa sa pamamagitan ng Zoom conference nitong August 14.

Ayon sa Caritas Philippines, sa pamamagitan nito’y makakamit ang pagkakaroon ng sistemang makakatulong sa pagbibilang, pagbabantay, at pangangalaga sa mga itinatanim na puno.

“Over the last decades, wala daw po tayong maipakitang dokumento na nagsasabi kung ilan sa mga seedlings na ating hiningi ang actual na naitanim, nabuhay, at hanggang ngayon ay nagsisilbing buffer against typhoons, strong winds, landslides, and erosion,” ayon sa Caritas Philippines.

Batay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang simbahan ang may pinakaraming hinihinging tree seedlings ngunit walang maayos na talaan o dokumentasyon sa kalagayan ng mga itinanim na puno.

Kabilang naman sa mga programa ng social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, sa ilalim ng Alay Kapwa para sa Kalikasan, ang Caritas Philippines Bamboo Forest Project.

Layunin nitong ipalaganap at pagyabungin sa 86-diyosesis sa buong Pilipinas ang pagtatanim ng mga kawayan at iba pang punong-kahoy na makakatulong na mabawasan ang epekto ng mga kalamidad, lalo na ang umiiral na climate crisis.

Katuwang ng Caritas Philipines sa gawain ang United States Agency for International Development (USAID) at Gerry Roxas Foundation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 59,660 total reads

 59,660 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 97,784 total reads

 97,784 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 131,912 total reads

 131,912 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 188,318 total reads

 188,318 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,196 total reads

 179,196 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top