Opisyal ng CBCP, dismayado sa NCIP

SHARE THE TRUTH

 10,148 total views

Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagbibigay ng ancestral domain titles sa mga katutubo.

Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng komisyon, mahalaga para sa mga katutubo ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa mga likas na yaman at matiyak na sila’y makakatanggap ng tamang bahagi ng benepisyo mula sa paggamit ng kanilang mga yaman.

Sinabi ni Bishop Dimoc na sa pamamagitan ng CADT, mapapangalagaan ang mga katutubo laban sa mga malalaking kumpanyang nagdudulot ng pang-aabuso at labis na pinsala sa mga pamayanan at lupaing ninuno.

“Meron naman silang title na hindi nakasulat, ito ‘yung native title, pero kailangan gawin ‘yan na nakasulat para mas maprotektahan sila sa development aggresions…So that they may be co-responsible in protecting their resources and the proper use of their resources for the development of people,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na sa kabila ng pagkakaroon ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) mula pa noong 1997, mas mababa pa sa 50-porsyento ang natapos ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) pagdating sa pagbibigay ng opisyal na titulo sa mga lupaing ninuno.

Ito ang dahilan kaya’t maraming katutubong pamayanan ang nanganganib na mawala ang mga lupain at pasukin ng mga malalaking korporasyon nang walang kaukulang pahintulot.

“Maraming mga communities who are endangered or dispossessed of their lands. Why? Because they were not protected by a tenurial instrument na appropriate sa kanila, gaya ng ancestral domain title. So, less than 50-percent pa ‘yung accomplishment ng NCIP on the issuance of ancestral domain titles. Ayan ‘yung nakakatakot kasi pwedeng pasukin ‘yan ng mga developers without even a tenurial instrument,” paliwanag ni Bishop Dimoc.

Panawagan ni Bishop Dimoc sa pamahalaan na bigyang-prayoridad, lalo ng NCIP at mga mambabatas, ang pagtukoy sa hangganan ng mga lupaing ninuno nang sa gayo’y maibigay sa kanila ang karapatang magkaroon ng opisyal na titulo ng kanilang mga pag-aaring lupain.

“Those who are in the government, especially the NCIP and the legislators who are approving the budgets, the NCIP should prioritize the delineation of the ancestral domains of the indigenous peoples para magkaroon ng CADT. Because without the title, then they are exposed to dangers,” saad ni Bishop Dimoc.

Ginawa ni Bishop Dimoc ang pahayag kasabay ng paglulunsad sa National Indigenous Peoples Month 2024 sa pamayanan ng mga katutubong Isneg sa Sitio Bubog, Barangay Nabuangan, Conner, Apayao, sa pangunguna ng Apostolic Vicariate of Tabuk katuwang ang CBCP-ECIP.

Batay sa tala ng NCIP, tinatayang humigit-kumulang 15-milyon ang populasyon ng mga katutubo sa buong bansa, na nahaharap sa iba’t ibang hamon upang mapangalagaan ang kanilang mga lupaing ninuno laban sa mapaminsalang epekto ng mga proyekto at pag-unlad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 9,347 total views

 9,347 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 28,319 total views

 28,319 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 60,984 total views

 60,984 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 66,073 total views

 66,073 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 108,145 total views

 108,145 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top