P1.6-milyong relief funds, ibinahagi ng Simbahan sa mga biktima ng baha sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

 370 total views

Maging mga kubyertos ay ipinamamahagi na ng Archdiocese of Cagayan De Oro para lamang makatulong sa mga residente na naapektuhan ng kalamidad sa kanilang lalawigan.

Ito ang ibinahagi ni Cagayan De Oro Social Action Director Rev. Fr. Satur Lumba kaugnay sa kanilang ginagawang pagkilos upang umagapay sa mga naapektuhan ng baha.

Sinabi ni Fr. Lumba na mula pa nang maganap ang mga pagbaha sa Cagayan De Oro at Misamis Oriental ay hindi na tumigil ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng relief response.

Sa kasalukuyan, kailangan ng mga naapektuhang residente ay mga non-food items na siya namang ipinamahagi na ng Archdiocese habang kumikilos na rin sila para makatulong sa rehabilitasyon ng nasirang kabahayan.

“Noong una binigyan natin ng food packs ang mga tao. After 10 days nakita natin ang mga kailangan sa mga totally damaged houses. Pinuntahan natin at binigyan ng non food items… Binigyan natin sila ng mga plato, kumot, kutsara, tinidor at nag-usap na din kami ng City Council at DSWD. Nagpa-plano na kami sa shelter nila lalo na sa mga totally damaged na bahay.” pahayag ni Fr. Lumba sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinagpasalamat naman ng Arkidiyosesis ang pagtulong na ibinahagi sa kanila ng iba’t-ibang organisasyon partikular na sa bahagi ng Simbahan.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Damay Kapanalig Program ng Veritas 846 sa Caritas Philippines, umabot na sa P600 libong piso ang halaga ng tulong na kanilang ibinahagi sa Archdiocese of Cagayan De Oro at Diocese of Butuan.

Una na rin nagpahayag ang Caritas Manila na magpapadala ito ng isang milyong piso na tulong para sa mga Dioceses na naapektuhan ng pagbaha sa Mindanao.

Lubos din ang pasasalamat ng Diocese of Butuan at Tagum sa tulong na ipinagkaloob ng Caritas Manila sa mga apektado ng baha.

Read: http://www.veritas846.ph/13-parokya-sa-diocese-butuan-lubog-sa-tubig-baha/
(Rowel Garcia)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,148 total views

 9,148 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,792 total views

 23,792 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,094 total views

 38,094 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,863 total views

 54,863 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,314 total views

 101,314 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 26,584 total views

 26,584 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top