Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 205 total views

Kapanalig, maraming magulang ngayon ang naghahanda na para sa nalalapit na pasukan. Marami nga sa pamilyang Pilipino ngayon, said na ang budget dahil sa tution ng mga anak. Sa gitna ng paghahanda na ito, naitanong na ba natin kung ano nga ba ang estado ng access to education sa ating bansa?

Kapanalig, sa ating bansa, tuwinang nilalayon at pinipilit na makapasok sa paaralan ang lahat ng school-aged children. Kaya nga lamang mahirap ito gawin lalo sa nga sa  mga hanay ng maralita, mga lugar na malalayo o remote, natamaan ng disaster o conflict, at may lubhang kakulangan sa pasilidad at guro.

Ayon nga sa datos ng Save the Children, bagaman madalas mataas ang attendance rate sa ating bansa, mga 6.2 million primary-school aged na  mga bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ayon naman sa datos ng Deped nitong 2011-2012, mga 6.38% ng mga batang nasa elementarya ang nag-do drop-out, habang 7.82% naman sa high school.

Ang mga public schools natin ay walang tuition; libre ito at bukas sa lahat. Kaya lamang, ang gastos sa pag-aaral ay hindi lamang para sa tuition. Kailangan din ng mga gamit gaya ng bag, kwaderno, baon. Ang mga ito ay mahal para sa maralita.

Kailangan din ng oras, kapanalig, at maraming mga kabataan, lalo sa maralita ang kulang nito. Kailangan kasi nila ang oras para tumulong sa pagtatrabaho. Alam naman natin na maraming mga bata sa ating bayan ang katuwang ng mga magulang sa pagtatrabaho. Umaabot nga sa mahigit  limang milyon ang child laborers sa ating bansa na may edad 5 hanggang 17, ayon sa International Labour Organization (ILO).

Marami pa ang kailangan nating gawin kapanalig, upang mapanatili nating nasa paaralan ang mga bata. Unang-una, kailangan nating masigurado na ang mga magulang ay prayoridad din ang edukasyon ng kanilang mga anak. Kahit pa kasi maraming programang nilalatag ang gobyerno, kung ang magulang mismo ay hindi pinapasok ang mga anak nila sa paaralan, mawawalang saysay ang mga pagbabago.

Ang gobyerno naman ay nararapat na isuguro na may paaralang mapapasukan ang mga bata—mga paaralang accessible sa lahat. Maraming mga kanayunan sa ating bansa, kapanalig, walang public school. At dapat hindi lamang tayo malimita ng struktura. May mga paraan upang mabigyan ng primary education ang mga bata kahit sa lugar na mahirap abutin ng abutin ng formal schooling. Ang mga mobile schools, halimbawa para sa mga streetchildren. Sa mga remote areas, ang e-learning at iba pang inobasyon ay maari nating subukan at palawigin.

Kapanalig, ang edukasyon ay yaman ng tao. Ayon nga sa Populorum Progressio, ang economic growth ay nakasalalay sa pagsulong ng tao, kaya nga’t ang basic education ay dapat pundasyon ng kahit anong development plan. Dinggin natin ang gabay nito: Ang gutom para sa edukasyon ay gaya rin ng gutom ng katawan: nakapanliliit at nagnakaw ng dignidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 32,162 total views

 32,162 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 43,326 total views

 43,326 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 79,425 total views

 79,425 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 97,227 total views

 97,227 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Sana ay mali kami

 1,074 total views

 1,074 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Para saan ang confidential funds?

 32,164 total views

 32,164 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 43,328 total views

 43,328 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 79,427 total views

 79,427 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 97,229 total views

 97,229 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 101,944 total views

 101,944 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 104,500 total views

 104,500 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 106,878 total views

 106,878 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 94,742 total views

 94,742 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 129,507 total views

 129,507 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »
1234567