Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-alis ng terminal ng mga bus sa EDSA, napapanahon na

SHARE THE TRUTH

 239 total views

Pabor ang Diocese of Cubao sa napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na tanggalin na ang mga terminal ng bus sa EDSA na sanhi ng masikip na daloy ng trapiko.

Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, kung yun lamang ang solusyon upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA ay kailangang makiisa at maisakripisyo ng mga may – ari ng provincial buses ang kanilang terminal.

Naniniwala rin si Bishop Ongtioco na ito na ang tamang paraan na magpapaginhawa sa mga commuters upang makatipid sila sa gastusin dulot ng trapik.

“Pero palagay ko mga nase – serve sa gobyerno sa ating mamamayan isa lamang ang kanilang pakay para madecongest at makatipid tayo in general. Kasi kapag mahaba ang traffic ayon sa survey ay malaki ang nagagasta ng tao. Pero kung mas nagiging mas magaan ang traffic para makatipid ang plano noon pa ay ilagay yan sa bukana ng city at huwag sa loob ng siyudad,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtico sa panayam ng Veritas Patrol.

Tinukoy naman ng Metro Manila Development Authority o MMDA na aabot sa 85 provincial bus companies na karamihan ay matatagpuan sa Cubao at Balintawak sa Quezon City at Taft Avenue sa Manila.

Tinataya ring nasa 3, 300 ang provincial buses at 12, 000 city buses ang gumagamit ng EDSA araw – araw.

Nauna na ring tinutulan ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity chairman at Manila Auxiliary Bishopo Broderick Pabillo ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “emergency powers” upang solusyunan ang problema ng trapik sa Metropolis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 7,087 total views

 7,087 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 21,147 total views

 21,147 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 39,718 total views

 39,718 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 64,944 total views

 64,944 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 78,310 total views

 78,310 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 104,125 total views

 104,125 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 140,726 total views

 140,726 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567