Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbobokasyon, walang pinipiling tao

SHARE THE TRUTH

 656 total views

Binigyang-linaw ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na walang pinipiling tao ang tawag ng pagbobokasyon.

Kaiba sa ibang kurso, sinabi ni Bishop Ongtioco na ang pagpapari ay isang espesyal na pagtawag ng Panginoon na kung sinuman ang tutugon ay inaanyayahang i-alay ang kanyang buong buhay para sa paglilingkod sa Diyos na nagligtas sa sanlibutan.

“Ang pagpapari ay isang bokasyon na galing sa Diyos so nobody claims this for himself, hindi naman kurso ang pagpapari. Ang ibang kurso basta may talino ka may pera ka makakatapos ka pero that can be separated from our life. Pero yung pagpapari ito ay isang bokasyon, pananawagan ng Diyos,” pahayag ni Bishop Ongtioco.

Idinagdag pa ng Obispo na grasyang maituturing ang pagtugon sa panawagan ng Panginoon kahit ano pa man ang katayuan o estado sa buhay dahil hindi aniya nasusukat ng anumang pinag-aralan ang pagpasok sa banal na bokasyon.

“Kung marahil, somehow na you feel that God is calling you kahit na propesyonal ka na maging doktor ka maging engineer ka anupaman ang iyong sitwasyon at kalagayan, baka hindi pa huli. Pumasok ka at lapitan mo ang isang pari para gabayan ka sa iyong pagpili ng daan sa pagpili tungo sa ganap na tuwa at ligaya,” panawagan ni Bishop Ontioco.

Dahil sa priest shortage sa Pilipinas, isang pari lamang ang humahawak sa 8-libong mga Katoliko sna higit na marami sa dapat sana’y isang pari sa 2-libong mga mananampalataya ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa susunod na taon ilulunsad ng simbahang katolika ang Year of the Clergy and Consecrated Persons bilang pagpupugay sa kaparian, relihiyoso at relihiyosa na nag-alay ng sarili upang iproklama ang mabuting balita ng Panginoon.

Sa lipunan na napapaligiran ng maraming bagay na maghihikayat sa atin kung ano ang daan na dapat sundin o puntahan, inihayag ni Bishop Ongtioco na dapat pakinggan ang tinig ni Hesus at hindi magpabulag materyal na bagay at mga tukso ng mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 263,003 total views

 263,003 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 279,971 total views

 279,971 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 295,799 total views

 295,799 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 385,967 total views

 385,967 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 404,133 total views

 404,133 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 123,030 total views

 123,030 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 229,297 total views

 229,297 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 255,111 total views

 255,111 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 261,817 total views

 261,817 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top