Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdarasal nagbubunga ng tagumpay-Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

 13,273 total views

Hinimok ni Archbishop Charles Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin ng Santo Rosaryo bilang sandigan ng pananampalataya at tagumpay sa gitna ng mga pagsubok.

Sa kanyang pastoral visit sa Barangay Simbayanan program ng Radyo Veritas, ipinaalala ng nuncio na ang Rosaryo ay sagisag ng katapatan at pananalig na nagdadala ng tagumpay sa bawat hamon ng buhay.

“The Rosary is a powerful prayer… The feast of the Holy Rosary was born out of gratitude — it reminds us that prayer can bring victory, even in the darkest times,” ayon kay Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang kapistahan ng Santo Rosaryo ay itinatag ni Pope Pius V noong 1571 matapos ang Labanan sa Lepanto, bilang pasasalamat sa tagumpay ng mga Kristiyano na iniuugnay sa sama-samang pagdarasal ng Rosaryo.

Dagdag ng nuncio, patuloy na nananawagan ang mga Santo Papa sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagdarasal ng Santo Rosaryo, lalo na sa buwan ng Oktubre na itinalagang Month of the Holy Rosary ng Simbahan.

Binigyang-diin din ni Archbishop Brown na ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay isang mabuting paraan upang manatiling malapit sa Diyos sa gitna ng abalang buhay ng mga tao.

“I encourage everyone to pray the rosary, even with Manila traffic, we can always find time to pray the Rosary — a jeepney ride is enough time to draw closer to God,” ani ng nuncio.

Pinuri rin ng kinatawan ng Santo Papa ang isinagawang rosary rally ng Diocese of Bacolod sa pangunguna ni Bishop Patricio Buzon, na naglalayong ipanalangin ang pagtatapos ng katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan.

“I think the Diocese of Bacolod was praying the rosary to rally against corruption, which is a worthy thing to do. Praying for peace and an end to corruption is something we can all do — not only through prayer, but also through action,” dagdag ni Archbishop Brown.

Ibinahagi rin ng nuncio ang kanyang personal na karanasan sa kapangyarihan ng Santo Rosaryo, na aniya’y nagpatibay sa kanyang bokasyon tungo sa pagpapari.

“The Rosary reminds us that prayer is not just repetition — it is meditation, reflection, and conversation with God,” paliwanag ni Archbishop Brown.

Bilang pagtatapos, hinimok ni Archbishop Brown ang mga Pilipinong Katoliko na gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo — isang sandata ng pananampalataya na nagbubuklod sa sambayanan, nagpapatatag sa pananalig, at nagbubunga ng kapayapaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 7,019 total views

 7,019 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 19,339 total views

 19,339 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 72,139 total views

 72,139 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »

Politics Is Deterent To Economic Development

 95,867 total views

 95,867 total views Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa hindi maayos na kalagayan dahil sa malala at sistematikong katiwalian o korapsyon na pangunahing headlines ng mga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top