Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

SHARE THE TRUTH

 5,746 total views

Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan, kalikasan, at kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa pastoral statement na inilabas kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Kristong Hari, hiniling nina Bacolod Bishop Patricio Buzon; Kabankalan Bishop Louie Galbines; at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamahalaang panlalawigan na ipagpatuloy ang Provincial Ordinance No. 7 (2007), ang batas na nagpapanatili sa Negros bilang GMO-free.

Ayon sa mga obispo, mahalaga ang pagpapanatili sa GMO-free status upang mapangalagaan ang organic farming, biodiversity, at kalusugan ng mga Negrense.

“It is an ethical achievement, a landmark act of ecological justice, and a testimony to the wisdom of our people. To weaken or repeal it would not only be imprudent. It would be irresponsible, unjust, and dangerous,” pahayag ng Negros Occidental Bishops.

Tinukoy ng mga obispo ang mga pag-aaral na nag-uugnay sa GMO agriculture sa soil degradation, genetic contamination ng lokal na pananim, at mga posibleng panganib sa kalusugan.

Binigyang-diin ng mga pastol na ang pagpapatuloy ng pagbabawal sa GMOs ay nakaugnay sa layunin ng lalawigan na panatilihin ang titulong organic agriculture capital of the Philippines, lalo na ngayong ginaganap sa Negros Occidental ang Terra Madre Asia & Pacific 2025, isang pagtitipon tampok ang ecological food systems at farmer-led sustainability.

“To abandon this identity now–especially while hosting Terra Madre–is an embarrassment before the world and a betrayal of our people,” ayon sa mga obispo.

Hinikayat ng mga pastol ang lokal na pamahalaan, mga magsasaka, kabataan, at mga mananampalataya na pangalagaan ang organikong pamana ng Negros at patuloy na suportahan ang mga polisiya para sa ligtas at napapanatiling agrikultura.

Dagdag pa ng mga obispo na ang pagpapanatili ng GMO-free status ay proteksyon hindi lamang sa agrikultura, kundi pati sa kalusugan, karapatan sa pagkain, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

“As your pastors, we would be remiss in our responsibility if we fail to warn you. Its amendment or repeal is a serious violation of the right of the people to health, and a healthy environment… It is not only a policy issue. It is a moral issue. A life issue. A justice issue. A faith issue,” ayon sa Negros Occidental Bishops.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 67,554 total views

 67,554 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 132,682 total views

 132,682 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 93,302 total views

 93,302 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 155,007 total views

 155,007 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 174,964 total views

 174,964 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 5,749 total views

 5,749 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top