Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakahirang kay Cardinal Tagle bilang Cardinal Bishop ng Simbahang Katolika, ipinagbunyi

SHARE THE TRUTH

 394 total views

May 2, 2020-9:40am

Ikinagalak ng sambayanang Filipino ang pagkakahirang kay Propaganda Fides President Luis Antonio Cardinal Tagle bilang isa sa 11 Cardinal-Bishops o “ highest order of Cardinal ng Simbahang Katolika.

Itinuturing din na isang karangalan ng mga Filipino at biyaya ang pagkakahirang kay Cardinal Tagle ni Pope Francis.

Ang Titular Church ni Cardinal Tagle ay San Felice da Cantalice a Centocelle.

Sinabi ni Rev.Father Gregory Gaston, rector ng Ponficio Collegio Filipino at Radio Veritas Correspondent sa Roma, ikinagagalak ng Filipino community sa Roma ang bagong titulo ni Cardinal Tagle na kanilang kasama sa kasalukuyan.

“Kami dito sa Collegio Filipino, lalu na’t nandito pa sya ngayon kasama namin sa lunch, breakfast sa dinner. Of course, masayang masaya tayong lahat dito. It’s an honor sa atin,” ayon kay Fr. Gaston.

Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Cardinal Tagle sa pinakamataas sa hanay ng mga kardinal ng simbahan -o bilang Cardinal Bishop.

Si Cardinal ay isa sa magiging closest collaborator ni Pope Francis sa pamamahala ng Universal Church na mayroong 1.2-bilyong miyembro sa buong mundo.

Si Cardinal Tagle at Cardinal Beniamino Stella ang mga pinakabagong miyembro ng Cardinal Bishops kasama ang 11 iba pang opisyal ng simbahan.

“Sila ang 11 na closest collaborator ni Pope sa buong mundo,” ayon kay Fr. Greg Gaston

Habang ang Cardinal Bishops ay may kapangyarihan sa simbahan ng Roma bilang malalapit na katuwang ng Santo Papa sa pamamahala sa universal church.

“May power sila, napakalakas. Ano ang power nila? The power to serve our brothers and sisters,” ayon kay Fr. Gaston.

Mula rin sa kapulungan ng Cardinal Bishops, ang inihahalal bilang Dean of College of Cardinals na siyang namumuno para sa paghahalal ng bagong Santo Papa sa pagkakataong sede vacante.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,663 total views

 15,663 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,763 total views

 23,763 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,730 total views

 41,730 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,962 total views

 70,962 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,539 total views

 91,539 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,809 total views

 11,809 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top