Pagkakaroon ng Missionary of Mercy sa Diocese of Kidapawan,inanunsyo ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,603 total reads

Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis.

Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan.

Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of the Section of Evangelization Archbishop Rino Fisichella, pormal na itinalaga si Fr. Charles Allan Nemenzo, DCK bilang missionary of mercy ng Kidapawan.

Ikinalugod ni Bishop Bagaforo ang pagkahirang ng pari bilang missionary of mercy na maging katuwang ng simbahan sa paggawad ng kapatawaran sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal.

“I am glad to announce that Rev. Fr. Charles Allan Nemenzo, DCK has been granted the special designation as Missionary of Mercy by the Holy Father…thereby granting him the special faculty of absolving “reserved sins”,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Matatandaang noong 2016 sa pagdiriwang ng Year of Mercy ay nagtalaga si Pope Francis ng mahigit 1, 000 Missionaries of Mercy sa buong mundo kabilang na ang apat na Pilipino na sina Fr. Andres Ma. Rañoa, OFM, Fr. Pedro Roberto Manansala, OFM, Fr. Jerome Ponce, OFM, at Fr. Jose Litigio, OFM.

Taong 2020 nang muling magtalaga ang santo papa ng Filipino missionary of mercy na sina Fr. Prospero Tenorio at Fr. Nap Baltazar ng Diocese of Malolos at pawang nangangasiwa sa Divine Mercy Philippines habang apat naman mula sa Archdiocese of Lingayen Dagupan na sina Fr. Allan Morris Abuan, Fr. Danille Chad Pescon, Fr. Matt Jason Molina, at Fr. Roy Joel Rosal.

Gayundin ang mga pari mula sa Diocese of Balanga sa Bataan na sina Fr. Jhoen Buenaventura, Fr. Joseph Quicho at Fr. Jesus Navoa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 57,362 total reads

 57,362 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 95,598 total reads

 95,598 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 129,726 total reads

 129,726 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 186,132 total reads

 186,132 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top