Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagmimisyon, apela ni Pope Francis sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 2,927 total views

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagmimisyon sa simbahang katolika ay gawain ng bawat binyagang kristiyano.

Sa pagdiriwang ng World Day of Prayer for Vocations hamon ng santo papa sa mananampalataya na tumugon sa tawag ng pagmimisyon sa pamamagitan ng pagbubuklod ng pamayanan.

“Led by the Spirit, Christians are challenged to respond to existential peripheries and human tragedies, ever conscious that the mission is God’s work; it is not carried out by us alone, but always in ecclesial communion, together with our brothers and sisters, and under the guidance of the Church’s Shepherds,” pahayag ni Pope Francis.

Binigyang diin ng Santo Papa Francisco na bawat bokasyon ay may kaakibat na misyong gagampanan sa lipunang kinabibilangan.

Ipinaliwanag ni Pope Francis na bagamat magkakaiba ang bokasyon ng mananampalataya ay iisa ang hangaring magbuklod sa pagbuo ng munting simbahan sa bawat pamilya at sa mga sektor ng pamayanan.

“In the Church, we are all servants, according to different vocations, charisms and ministries; vocation is a gift and a task, a source of new life and true joy. May the initiatives of prayer and of activity associated with this Day strengthen an awareness of vocation within our families, our parish communities, our communities of consecrated life, and our ecclesial associations and movements,” giit ni Pope Francis.

Sa April 30 ipagdiwang ng simbahan ang ika – 60 anibersaryo ng World Day of Prayer for Vocations na pinasimulan ni Saint Paul VI noong 1964 na layong paigtingin ang pagmimisyon ng simbahan sa pamamagitan ng bokasyon.

Kaugnay nito umapela ng panalangin si Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Vocations sa mamamayan para sa pagkakaroon ng mas maraming bokasyon lalo sa kabataang handang tumugon sa tawag ng paglilingkod sa simbahan.

Magsasagawa ng Holy Hour for Vocations ang Sta. Lucia Parish sa April 29 sa alas otso ng gabi na pangungunahan ni Fr. Marvin Riquez ang National Coordinator ng Diocesan Vocation Directors in the Philippnines para sa paggunita sa ikaanim na dekada ng World Day of Prayer for Vocations.

Read: https://www.veritasph.net/obispo-umaapela-ng-dasal-sa-paglago-ng-bokasyon/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 24,896 total views

 24,896 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 32,996 total views

 32,996 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 50,963 total views

 50,963 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,029 total views

 80,029 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 100,606 total views

 100,606 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,967 total views

 4,967 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,574 total views

 10,574 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,729 total views

 15,729 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top