Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,578 total views

Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma

9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42

Sapat na sana para sa tatlong kabataang Hudyo sa ating unang pagbasa ang sumunod sa utos ng hari—para hindi sila mapahamak. Simple lang naman ang utos: na sumamba sila sa gintong rebultong ipinagawa ng hari, gaya ng ginawa ng lahat ng mga taga-Babilonia. Pero hindi nila ito ginawa. Pinili nilang suwayin ang hari at harapin ang parusang pagkakatapon sa naglalagablab na pugon. Ayaw nilang sambahin bilang diyos ang isang bagay na, sa paniniwala nila, ay hindi Diyos.

Pakinggan ang matapang na sagot nila sa hari:

“Pasensya na po, O Haring mahal, pero ang Diyos lang namin ang sinasamba namin. Umaasa kaming ililigtas niya kami mula sa naglalagablab na pugon. Pero kahit hindi niya kami iligtas, hindi pa rin kami sasamba sa diyos ninyong iyan.”

Ibig sabihin, ang pananampalataya nila ay hindi nakabase sa resulta—hindi kondisyonal. Hindi nila sinabing sasamba sila sa Panginoon kung ililigtas sila. Malaya na sila—ang tunay nilang kalayaan ay nasa Diyos.

Sa teolohiya at panitikang Kristiyano, kilalang-kilala ang ekspresyong Latin na “Non serviam” (Hindi ako maglilingkod! O ayokong maglingkod). Iniuugnay ito kay Lucifer. Ayon sa isang apokripal na panulat na Judio-Kristiyano na pinamagatang “The Life of Adam and Eve,” kaya raw bumagsak si Satanas ay dahil sa kanyang pagmamataas at pagsuway sa Diyos. Nauna daw na nilalang ng Diyos ang mga anghel mula sa apoy, at pagkatapos nilikha naman si Adan at sangkatauhan. Pero niloob daw ng Diyos na ang tao ang magtataglay ng kanyang hugis at wangis, at inutusan niya mga anghel na maglingkod at magbigay-galang kay Adan. Pero tumutol daw si Satanas at sinabi:

“Bakit mo ako pinipilit? Hindi ako sasamba sa nilikhang mas mababa sa akin. Ako ay nilikhang mula sa apoy, siya’y mula lamang sa putik.”

Kabaligtaran naman ng ugaling ito ang ipinakitang kababaang-loob ni Maria. Nang ipahayag ng anghel ang plano ng Diyos na lulukuban siya ng anghel upang sa sinapupunan nita ay maganap qng pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, ang tugon ni Maria ay “Fiat”—“Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong salita.” Hindi lang siya naging malaya sa pamamagitan ng kanyang pagsang-ayon; naging paraan pa siya ng pagpapalaya ng Diyos sa buong sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa kasalanan.

Dalawang uri ng pagsamba ang ipinapakita sa atin ng mga pagbasa: ang pagsambang nagpapalaya at ang pagsambang nang-aalipin. Para sa tatlong binata, ang pagsamba sa gintong rebulto ay pagsuko ng sarili sa kapangyarihan ng hari—isang uri ng pagkaalipin. Ang pinili nila ay ang uri ng pagsamba na nakaugat sa katotohanan at paninindigan, at ito ang nagpalaya sa kanila at naging daan ng kaligtasan nila.

Ito rin ang paanyaya ni Jesus sa ating Ebanghelyo. Kaya sinabi niya, “Kung nananatili kayo sa aking salita, kayo’y magiging tunay na mga alagad ko. Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

Parang ganito din ang ibig sabihin nating ni Jesus sa Juan 15:15:

“Hindi ko na kayo tinatawag na alipin, sapagkat ang alipin ay walang alam sa ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, tinawag ko kayong mga kaibigan…”
Isang bagong ugnayan sa Diyos angiIpinakikilala sa atin ni Jesus—hindi na ugnayang nakabase sa takot o pagkakaalipin, kundi sa pag-ibig at paninindigan. Ito ang pag-ibig na tunay na nagpapalaya.

Tama nga si San Juan sa kanyang sulat:

“Walang takot sa pag-ibig, sapagkat ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot. Ang takot ay kaugnay ng parusa, at ang natatakot ay hindi pa ganap sa pag-ibig.” (1 Juan 4:18)

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 4,803 total views

 4,803 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 25,531 total views

 25,531 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 33,846 total views

 33,846 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 52,521 total views

 52,521 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 68,672 total views

 68,672 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 5,510 total views

 5,510 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 7,871 total views

 7,871 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 19,845 total views

 19,845 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 8,732 total views

 8,732 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 7,842 total views

 7,842 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAPANATAGAN NG LOOB

 15,401 total views

 15,401 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 3,576 total views

 3,576 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 3,745 total views

 3,745 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 4,291 total views

 4,291 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 4,939 total views

 4,939 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 12,124 total views

 12,124 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 6,832 total views

 6,832 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 10,585 total views

 10,585 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 8,717 total views

 8,717 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top