Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katoliko sa buong mundo, umabot na sa 1.3-bilyon

SHARE THE TRUTH

 34,483 total views

Sa nalalapit na paggunita ng simbahan sa 97th World Mission Sunday sa October 22, isinapubliko ng Fides News Agency ng Vatican ang pagtaas ng bilang ng mananampalatayang Katoliko.

Bagamat sa pagdami ng mga katoliko ay bumaba naman ang bilang ng mga pari at relihiyoso.

Ayon sa ulat, sa pagtatapos ng taong 2021 umaabot sa 1.375 billion ang bilang ng mga mananampalataya sa buong mundo na may 16.24 million pagtaas kumpara sa taong 2020.

Ang pagtaas ay mula sa lahat ng kontinente, lalo na sa mga bansa sa Africa at America maliban na lamang sa Europa.

Sa kabila nito ang bahagyang pagbaba ng pandaigdigang porsiyento ng mga katoliko sa 17.67 percent.

Bumaba rin ang kabuuang bilang ng mga obispo at pari na mula sa dating bilang na 407,872 ay nabawasan ng higit sa dalawang libo kung saan ang 900 ay diocesan at 1,400 ang Religious priest.

Bunsod nito,ang bawat pari ay pinangangasiwaan ang higit sa tatlong libong kawan.

Sa ulat, patuloy ang pagtaas ng bilang ng permanent deacons na naitala sa 49,176.

Nabatid sa isinapublikong tala na ang simbahang katolika ay may 74,368 kindergarten na may higit sa pitong milyong mag-aaral; 100,939 primary schools na may 34.7 milyong estudyante at 49,868 secondary school na may higit 19 milyong mag-aaral.

Ang Charity at Health care centers sa buong mundo na pinangangasiwaan ng simbahan ay naitala sa 5,405 na hospital at 15,276 ang mga tahanan para sa mga matatanda, may karamdaman, at kapansanan.

Umaabot din sa 9,703 ang mga orphanage na ang pinakamarami ay matatagpuan sa Asya na naitala sa bilang na 3,230.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,182 total views

 6,182 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,282 total views

 14,282 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,249 total views

 32,249 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,608 total views

 61,608 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,185 total views

 82,185 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,534 total views

 11,534 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top