166 total views
Ito ang binigyang diin ni Lingayen- Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz dating Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa isinagawang Veritas Servant Leadership Halalan Forum 2016 ng Radio Veritas tungkol sa mga katangian na nararapat taglayin ng magiging lider ng bansa.
“Pag-totoo po yung pakikiisa niyo, imposibleng hindi kayo kumilos kung totoo yung pakikiisa niyo. Karaniwan ang pagpapaabot ng tulong, yung inyong kakayahan ay makiramay, makiisa. Empathy yes, nakikiisa ako sayo pero nakaupo ako dito, hindi po empathy talaga it is falsity, that is hypocrisy, hypocrisy po ang tawag doon.”paglilinaw ni Archbishop Cruz
Ipinaliwanag ng Arsobispo na ang pagpapakita ng pakikiisa ay hindi lamang masusukat sa salita o presensya ngunit sa mismong tugon kaugnay nito.
Bukod dito nilinaw rin ni Archbishop Cruz, na hindi nararapat na maghintay ng kapalit ang isang pinuno mula sa kanyang nasasakupan, sapagkat ang tapat na paglilingkod ay bahagi ng pangunahing tungkulin kalakip ng kapangyarihan at posisyon.
“Lalo na po itong mga panahon na ito na halalan nga, marami kayong makita na kandidato na nakiki- empathize kuno pero ang totoo po nun ipinagbibili nila yung kanilang sariling kandidatura na sana sila ay iboto, so makita niyo po sa likod ng apparent empathy sa likod nun ay may ulterior motive, hindi naman talaga nakiki-emphatize, kundi kunwari nakikiisa para may makuha na sukli, ito ang talagang nakakahinayang…” dagdag pa ni Archbishop Cruz
Batay sa Commission on Election Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider ng pamahalaan, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.
Kaugnay nga nito, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan ukol sa politika ang seryoso at kawalan ng sariling interes ng bawat kandidato sa posisyon at kapangyarihan upang tunay na mapaglingkuran ang taumbayan ng tapat at dalisay.