Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikilahok sa Earth Hour, maisasalba ang tao, hayop at halaman – Fr. Tuazon

SHARE THE TRUTH

 301 total views

Napakahalaga ng Earth Hour.

Ayon kay Fr. Benny Tuazon, head ng Ecology Ministry ng Archdiocese of Manila, maisasalba ng Earth Hour ang buhay ng tao, hayop maging ng halaman.

Ito’y sa pamamagitan ng sama-samang pagtitipid sa paggamit ng kuryente o ang sabay-sabay na hindi pagbubukas ng elektrisidad sa loob ng isang oras para na rin mabawasan ang masamang epekto ng nagbabagong klima.

Sinabi ng pari na isa sa nagpapala ng epekto ng climate change ay ang iresponsableng paggamit ng kuryente.

Dahil dito, inaanyayahan ni Fr. Tuazon ang mga kapanalig na makilahok sa Earth Hour na isasagawa sa March 19, 2016 mula alas 8:30 ng gabi hanggang alas 9:30 ng gabi.

“Patuloy ang pag-aanaya sa ating mga kapanalig na makilahok sa eath houir, pagpapakita na pag tayo ay sabay sabay o nagkakaisa na magtigpid sa kuryente, malaking bagay na maitutulong nito sa pagsalba sa ating kalikasan, laban sa climate change na nagkakaroon ng hindi magandang epekto sa tao, buhay ng hayop maging sa halaman
Hinihikayat natin na gamitin nating maayos ang ating kuryente, kung regular itong gagawin malaki ang matitipid.” Pahayag ni Fr. Tuazon sa panayam ng Radyo Veritas

Ito na ang ika-10 beses na makikilahok ang Pilipinas sa Earth Hour na una ng inilunsad ng Worldwide Fund for Nature noong April 1961 sa Switzerland na layuning protektahan ang kalikasan mula sa pagbabago ng klima.

Nasa 26 na bansa na ang nakikilahok sa Earth Hour.

Isinagawa ang unang Earth Hour noong March 31 2007 ng WWF-Australia bilang suporta sa climate change kung saan mahigit 2.2 milyong mamamayan at 2,000 businesses ang nagpatay ng kanilang ilaw sa loob ng isang oras.

Una ng naglabas ng kanyang encyclical on ecology na Laudato Si’ si Pope Francis para sa pangangalaga ng kalikasan upang mailigtas ang kasalukuyang mundo at ang hinaharap na henerasyon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 100,397 total views

 100,397 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 108,172 total views

 108,172 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 116,352 total views

 116,352 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 131,513 total views

 131,513 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 135,456 total views

 135,456 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas Team

Earth Hour 2020 goes digital

 4,847 total views

 4,847 total views March 11, 2020, 3:39PM Mula sa malakihang aktibidad, ipagdiriwang ngayong taon sa pamamagitan ng Social Media ang Earth Hour 2020. Ang Earth Hour

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top