Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaan, bingi sa negatibong epekto ng pagmimina sa bansa

SHARE THE TRUTH

 2,946 total views

Ikinabahala ng Bayay Sibuyanon ang nangyayaring mining operation sa Sibuyan Island, Romblon.

Ayon kay Rodne Galicha, pangulo ng grupo na patunay lamang ito na mas sinasang-ayunan ng pamahalaan ang mapaminsalang pag-unlad sa halip na pakinggan ang panawagan ng taumbayan na pangalagaan at pagyabungin ang mga likas na yaman ng bansa.

Ang mining operation sa Sibuyan Island ay hawak ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na kamakailan lamang ay binigyan na ng mineral ore export permit mula sa Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau.

“This mining company has no barangay clearance and municipal business permit! Where is the DENR foreshore lease contract and [Philippine Ports Authority] permit to construct private port? Our environmental defenders are now fighting for our rights on the ground.” pahayag ni Galicha.

Magmula noong Miyerkules, 24-oras na binabantayan ng Sibuyan Island environmental defenders ang isinasagawang nickel ore hauling ng APMC sa bahagi ng Sibuyan Island.

Hinamon naman ni Galicha ang mga opisyal ng mga apektadong bayan na manindigan at makipagtulungan para mapigilan ang operasyon ng Altai Mining at hindi na umabot pa sa labis na pinsala sa kalikasan at kapahamakan sa mga tao.

Tinukoy din ni Galicha ang Philippine National Police na maging huwaran at tuparin ang tungkuling itaguyod ang kaligtasan at seguridad ng mga apektadong mamamayan.

“I urge our local leaders and authorities to hold the line and be with the people especially that the local government did not issue any business permit. To the PNP, don’t attempt to defend the mining company – you must look for their barangay clearance and municipality business permit. This mining company has caused us so much pain, division, hatred and anger.” saad ni Galicha.

Sa ginanap na public hearing noong January 22, 2023, pinagtibay ng mga opisyal ng Barangay España, San Fernando, Romblon ang 25-year mining moratorium ordinance na layong pigilan ang pagpasok ng mga mining companies sa Sibuyan Island.

Ang nasabing ordinansa ay isusumite sa Sangguniang Bayan ng San Fernando upang suriin at agad na ipatupad para sa kapakanan ng mga likas na yaman ng Sibuyan Island at mga residente.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 25,666 total views

 25,666 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 34,334 total views

 34,334 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 42,514 total views

 42,514 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 38,246 total views

 38,246 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 50,296 total views

 50,296 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 10,011 total views

 10,011 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 11,284 total views

 11,284 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,697 total views

 16,697 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top