Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panandaliang tulong sa mga magsasaka, hindi sapat para umunlad ang sektor ng agrikultura

SHARE THE TRUTH

 20,075 total views

Umapela sa pamahalaan ng pangmatagalang solusyon ang grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon kay KATARUNGAN Secretary General Danny Carranza, hindi sapat ang panandaliang tulong sa mga magsasaka para mapaunlad ang produksyong titiyak sa food security ng bansa.

“Sa kalagayan ng agrikultura ngayon sa ating bansa pangmatagalan at komprehensibong [tugon] ang dapat na pinag-uusapan ng pamahalaan kasama dapat ang magsasaka.” pahayag ni Carranza sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Carranza ang pamamahagi ng lupa para sa magsasaka lalo’t ito ang direktang nagbubungkal at nagpapaunlad sa produktibidad ng lupa gayundin ang suportang serbisyo kasama ang paggamit ng teknolohiyang makatutulong sa sektor ng agrikultura.
Dismayado rin ang grupo na kadalasang hindi naipararating sa mga magsasaka ang nararapat na benepisyo kabilang na ang insurance sa tuwing may kalamidad.

Sinabi ni Carranza na dapat paigtingin ng pamahalaan ang paggawa ng hakbang para sa sapat na patubig sa mga lupang sakahan at iginiit na hindi sapat ang cloud seeding sa pagkakaroon ng ulan tuwing tagtuyot.

“Halos normal na ito sa panahon ng climate change mahalaga na komprehensibo ang gawing pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura at isa sa mayor na usapin sa agrikultura ay ang irigasyon.” giit ni Carranza.

Aniya, maraming water system sa bansa tulad ng mga ilog na maaring paunlaring irigasyon para sa mas permanenteng pagkukunan ng tubig sa mga lupang sakahan.

Sa datos ng National Irrigation Administration (NIA) noong 2021 nasa 65 porysento sa mahigit tatlong milyon ektaryang irrigable area sa bansa ang napatayuan ng irigasyon subalit ayon kay Carranza may mga proyektong hindi napakikinabangan dahil sa maling disenyo.

Panawagan ng simbahang katolika sa pamahalaan na bigyang prayoridad ang sektor ng agrikultura na pangunahing magtitiyak sa suplay ng pagkain sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,708 total views

 10,708 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,808 total views

 18,808 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,775 total views

 36,775 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,090 total views

 66,090 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,667 total views

 86,667 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,577 total views

 3,577 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,185 total views

 9,185 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,340 total views

 14,340 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top