Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangalagaan ang kalikasan sa halip isulong ang death penalty

SHARE THE TRUTH

 255 total views

Nagsalita na ang mga katutubo laban sa isinusulong na death penalty bill sa Senado.

Nanawagan ang mga katutubo sa Senado at pamahalaan na pahalagahan at paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan sa halip na isulong ang death penalty bill at iba pang kultura ng kamatayan.

Ito ang hamon ni Ebong Peñamante mula sa tribu ng Dumagat-Remantado na kasapi ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka sa pagtitipon ng Lakbay-Buhay caravan against death penalty sa University of Santo Tomas.

Ayon kay Peñamante, nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang pagpapatibay sa implementasyon ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan dahil ang gubat ang nagbibigay buhay sa mga katutubo na pinagmumulan ng kanilang pag-kain, hanapbuhay at mga gamot.

Bukod dito, ang kabundukan at mga punong kahoy ang pinagmumulan ng tubig at nagsisilbing proteksiyon sa mga malalakas na bagyo, landslide at baha.

“Nananawagan po ako tungkol sa kalikasan, ang kagubatan ay kadugtong ng aming buhay.Sa likas na yaman lamang kami umaasa ng ikabubuhay.”pahayag ni Peñamante sa Radyo Veritas.

Naninindigan si Peñamante na silang mga katutubo ang maging pangunahing biktima ng parusang kamatayan dahil sa kawalan ng pera na pambayad sa abogado.

Patuloy din ang panawagan ng mga lider ng Simbahang Katolika sa mamamayan na manindigan laban sa parusang kamatayan.

READ :
magkaisa manindagan laban sa death penalty
pagyamanin ang kultura ng buhay sa pilipinas

Sa tala ng UNDP Philippines o United Nations Development Programme mayroong 14 hanggang 17 milyong katutubo sa Pilipinas na kabilang sa 110 ethnic groups.

Matatandaang, kinondena rin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si ang pang-aabuso at pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang lupang minana, dahil sa pagpapapasok ng mga negosyo tulad ng plantasyon at pagmimina.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,091 total views

 5,091 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 13,191 total views

 13,191 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,158 total views

 31,158 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 60,536 total views

 60,536 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 81,113 total views

 81,113 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 43,367 total views

 43,367 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 43,385 total views

 43,385 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top