Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paniningil ng PhilHealth premium contributions, pinatitigil ng mambabatas

SHARE THE TRUTH

 42,628 total views

Iminungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang pansamantalang pagpapahinto ng paniningil ng PhilHealth premium contributions sa lahat ng mga minimum wage earners, kasama na ang mga self-employed.

Ayon sa House Resolution 1595, sinabi ni Quimbo na dapat gamitin ang mga hindi nagamit na alokasyon sa PhilHealth sa premium subsidy, upang makatulong sa mga manggagawa.

“This temporary suspension is not just about providing short-term economic relief but also about initiating a comprehensive review of PhilHealth’s benefits and contribution structure. The goal is to expand health benefits for all members and potentially reform the contribution structure, or even to possibly eliminate premiums for minimum wage earners and self-employed individuals earning the equivalent of minimum wages.” ayon kay Quimbo.

Noong 2022, naglaan ang Kongreso sa Philhealth ng 80 billion pesos bilang subsidy sa mga mahihirap na pamilya, senior citizen at persons with disabilities na ayon na rin sa ahensya ay hindi nagamit ang 24 billion pesos sa pondo.

Gayundin sa nakalipas na taon na pinaglaanan ng 79 billion pesos, kung saan may nalalabi pang 39 billion pesos.

Paliwanag ni Quimbo, kayang tustusan ng hindi nagamit na pondo ang premium contributions ng minimum wage earners sa loob ng isang taon nang hindi nakokompromiso ang financial stability ng PhilHealth lalo’t noong 2022 ay 19.6 billion pesos lamang ang premium contribution.

Inaasahan ding aabot sa P463 billion pesos o pagtaas ng 68 percent ang financial reserve ng Philhealth mula sa nakalipas na taon, bukod sa masisingil sa mga miyembro at pondong inilagak ng Kongreso na hindi pa nagagastos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,032 total views

 9,032 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,132 total views

 17,132 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,099 total views

 35,099 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,428 total views

 64,428 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,005 total views

 85,005 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,612 total views

 11,612 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top