Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Parusahan ang mga nasa likod ng “injustice” kay Senador de Lima – Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 681 total views

Itinuring ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na malubha ang kalagayang pangkatarungan ng Pilipinas makaraang bawiin ng sinasabing druglord na si Kerwin Espinosa ang mga paratang laban kay Senator Leila De Lima.

Ikinalungkot ng obispo na biktima ng kawalang katarungan si de Lima na isang halal na mambabatas ng bansa.

“This is a grave injustice to the senator and to the Filipino people. She was not able to properly serve the mandate given her by the people because of this injustice,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Kamakailan ay binawi ni Espinosa makalipas ang limang taon ang alegasyong nag-uugnay sa mambabatas sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Sa counter-affidavit ni Espinosa na isinumite sa Department of Justice sinabi nitong walang katotohanan ang mga alegasyon laban kay de Lima at bunga lamang ito ng pamimilit, pananakot at banta sa seguridad ng buong pamilya.

Isinasaad din sa affidavit ni Espinosa ang paghingi ng paumanhin sa senadora.

Pinasalamatan naman ni Bishop Pabillo ang kabaang loob ni Espinosa na ihayag ang katotohanan at iwasto ang mga maling paratang.

“I thank Kerwin Espinosa for following his conscience in recanting,” ani Bishop Pabillo.

Samantala ipinaubaya naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa korte ang implikasyon ng pagbawi ng mga pahayag ni Espinosa.

Sa hiwalay na pahayag ng DOJ sinabi nitong hindi kabilang si Espinosa sa tatlong saksi na ipresenta sa pagdinig ng kaso ni de Lima sa May 16.

Noong Pebrero inalis ng DOJ si Espinosa sa Witness Protection Program (WPP) nang tangka itong tumakas sa piitan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Umaasa naman si Bishop Pabillo na lalabas ang katotohanan at mananaig ang katarungan sa lipunan habang pananagutin ang mga sangkot sa kawalang katarungan.

“There should be a thorough investigation against those in authority who are behind this injustice,” giit ni Bishop Pabillo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,099 total views

 6,099 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,083 total views

 24,083 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,020 total views

 44,020 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,213 total views

 61,213 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,588 total views

 74,588 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,229 total views

 16,229 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 23,276 total views

 23,276 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top