10,410 total views

Homily for 25th Sun in OT, 24 Sept 2023, Mt20:-16a

Sa Tagalog, iba pala ang meaning ng PAREHAS sa PATAS. Pwedeng parehas ang laban pero hindi patas. Pero ang dalawang salitang ito ay concerned lang sa isang bagay: DAPAT PANTAY.

Halimbawa, may tatlong bata, magkakaiba sila ng height: maliit, katamtaman at matangkad. Gusto nilang manood ng basketball, pero may bakod. Si matangkad, nakikita na niya ang laro. Sina maliit at katamtaman, walang makita. Gumawa sila ng paraan—naghanap ng matutungtungan. Nakahanap sila ng tatlong case o lalagyan ng bote ng beer na pwedeng tungtungan. Ano ang parehas? Tig-iiisa sila. Sila namang tatlo ang nakahanap, lahat sila may karapatan, di ba? Pero ano ang patas? Dalawa kay maliit, isa kay medium, at wala kay matangkad. Equality and concern nila: pantay-pantay. Pero hindi naman sila talaga magkakapantay. Ang tunay na equality na gusto nila, bilang magkakaibigan ay makapanood silang lahat. Ah, hindi na equality ang tawag doon sa Ingles, kundi EQUITY. Ang PATAS, kung minsan, parang hindi parehas.

Ganito rin ang isyu sa parable na ating narinig sa ating Gospel reading ngayon: ang kuwento ng mga trabahador na pinagtrabaho sa ubasan. May nagcomplain. Bakit naman ganyan? Hindi kayo patas. Bakit pare-pareho lang ang pinasahod ninyo sa amin, e maaga kaming nag-umpisa at buong araw nagtrabaho. Ang iba sa kanila tanghali na nagsimula, ang iba hapon na, at meron pa ngang isang oras lang gumawa. Ta’s pare-pareho kami ng tinanggap? Unfair naman kayo.

Sabi ng amo: hindi kita dinadaya; iyon naman ang pinagkasunduan natin at legal na pasahod sa isang araw ng trabaho, di ba? Naiinggit ka ba dahil generous ako sa iba? Dahil binigyan ko sila ng konsiderasyon? Palagay ko may hirit pa ang nagko-complain: bakit sa kanila lang kayo generous? Hindi ba pwedeng ipantay ninyo ang konsiderasyon ninyo sa lahat? Di ba pwedeng SANA ALL?

Ah, ito ang mentalidad na tinutumbok ng parable: ang tinatawag sa Ingles na SENSE OF ENTITLEMENT: karapatan. Entitled ka sa tamang sahod sa tinrabaho mo. Pero tatawagin mo rin bang karapatan ang magdemand ng bonus? Parang sinasabi ng amo, “Di ba’t ako ang may karapatan sa desisyon ko kung sino ang bibigyan ko ng extrang konsiderasyon?”

Noong taon na tumira ako ng one year sa Holy Land, sa Jerusalem, minsan nadaan ako sa isang lugar malapit sa Damascus Gate ng old City, kasama ko ang isang kaklase. May nakita akong maraming mga tao na nakatayo, may hawak na karatula at may nakasulat: karpintero, tubero, mason, electrician, welder, atbp. Sabi ng classmate ko, “Iyan ang background doon sa parable tungkol sa mga workers na iba’t ibang oras nakuha para magtrabaho.” Buong akala ko tumatambay lang sila doon; naghahanap pala ng oportunidad na makapagtrabaho.

Palagay ko hindi rin alam ng amo noong una, kaya lagi niyang sinasabi, “Bat ba kayo tatayo-tayo lang diyan?” Ang nagpabago sa pananaw niya ay iyung kinuha niyang huli. “Ba’t ba kayo tumatambay lang?” Sinagot siya, “Hindi po, sir. Kanina pa po kami rito, wala pong kumuha sa amin.” Wow, 5pm na, hindi pa sila gumi-give up, baka sakali, kahit isang oras lang na trabaho, may kitain pa rin sila. Hindi naman sila nag-eexpect ng buong araw na sahod.

Minsan, mukhang parehas lang sitwasyon, pero hindi pala patas. Oo parehas na requirement—college graduate, fluent in English. Pero palagay mo ba, parehas lang nilang ituturing ang may Ateneo o De la Salle diploma doon sa graduate ng Pamantasan ng Culi-Culi? Parehas lang ba nilang ituturing ang English na tama naman pero may Visayan accent, doon sa may American accent?

May ganyang pelikula noon tungkol sa unang black women na nagtrabaho sa NASA bilang researchers, mathematicians at scientists. Required din sila na pumasok na well-dressed at high heeled ang shoes. Nakikilala na rin ang talino nila. Pero siyempre, disadvantaged na agad ang pagiging black at pagiging babae nila. “Hidden Figures” ang pamagat ng pelikula. Minsan, nasita ng boss ang leader ng researchers—dahil nagtatagal siya sa toilet breaks at coffee breaks. Unfair daw siya sa mgakapwa empleyado. Noon lang naglakas ng loob magsalita ang babaeng itim: “Kasi ho, kailangan kong lumakad nang four blocks away para makahanap ng ‘toilet for colored people’. At lahat ng kapehan dito sa building ay ‘for whites only’. Kaya tatakbo ulit ako nang malayo nanaka-high heels para uminom ng panis na kape.” Natauhan ang boss; akala niya parehas ang sitwasyon ng mga trabahador niya; hindi pala patas. Kaya inalis na ang segregation.

Hindi na equality kundi equity ang issue kapag sinabi natin, “you have to level the playing field.” Kaya may kasabihan, “All people are equal but some are more equal than others.” Gusto natin parehas lang pero madalas makalimutan natin hindi patas ang lipunan. Madalas mapaboran ang malakas, sikat, may koneksyon, kakulay, kamaganak, katropa.

Sa kaharian ng Diyos, iba ang criteria ng parehas at patas. Parang magulang sa mga anak. Hindi naman laging pare-pareho ang ibibigay sa mga anak dahil hindi naman pare-pareho ang sitwasyon at pangangailangan nila. Kung may kalamay, parehas ka kung pare-pareho ang putol mo sa kalamay para sa limang anak mo, parehas pero hindi patas. Sa mga Hudyo, si Yahweh ay Diyos daw na walang favoritism. Sa Deut 10: 17-18, sinasabi, “Pinapanigan niya ang mga balo at ulila, mga migrante at mga dehado sa lipunan…” So may pinapaboran din pala siya? OO, yung dukha, nahuhuli at nasasantabi. Kasi, patas siya.

May kuwentong Hudyo tungkol sa dalawang magkapatid: pinamanahan ng parents nila ng lupa, pero hindi ito hinati. Trabahuin daw nila at maghati na lang sila sa pakinabang. Pareho silang farmer. Ang panganay ay tumandang binata. Ang bunso ay nag-asawa at may limang anak. Napagkasunduan nila, 50-50 ang hatian sa pakinabang. Minsan isang gabi, di makatulog si panganay, iniisip ang kapatid na bunso. Nakukunsensya siya, “Marami ang anak ng kapatid kong bunso, mas malaki ang pangangailangan niya. Pero alam ko ma-pride yun, baka magtalo pa kami. Mamayang gabi pag tulog na sila, maglilipat ako ng 20 kaban sa kamalig niya.” Paggising niya, nagulat siya—hindi nabawasan ang palay niya. Parang nadagdagan pa nga. Iyun pala, pareho sila ng iniisip ng kapatid niya. Hanggang minsan isang gabi, nagkasalubong sila. Noon nila naintindihan kung bakit parang hindi nababawasan ang kani-kanilang kamalig. At naiyak sila at nagyakapan. Sa dilim ng gabi at sa kutitap ng mga bituin, ang Diyos Ama sa langit ay nakatanaw, maligaya sa nakitang pagmamahalan ng magkapatid.”

Ang daming nagbabago kapag nagkasalubungan ang mga tao sa malasakit, hindi na sa usapin lang ng parehas, kundi sa usapin ng patas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,010 total views

 75,010 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 86,656 total views

 86,656 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 95,903 total views

 95,903 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,700 total views

 101,700 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,088 total views

 114,088 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 1,897 total views

 1,897 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 1,891 total views

 1,891 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 1,893 total views

 1,893 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 1,894 total views

 1,894 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 10,470 total views

 10,470 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 5,603 total views

 5,603 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MI CASA, SU CASA

 5,603 total views

 5,603 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-apat na Linggo ng Karaniwang Panahon, Pebrero 1, 2024, Mk 6:7-13 Huwag daw magbaon ng pagkain, o magbitbit ng bagahe. Huwag daw magdala ng pera sa bulsa, o ekstrang underwear. Ganoon? Ewan ko lang kung sa panahon natin mayroon pang mapapasunod o maisusugo si Hesus kung ganoon pa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PREJUDICE

 5,603 total views

 5,603 total views Homily for Wednesday of the 4th Wk in Ordinary Time, 31 January 2024, Mk 6:1-6 Mark says the people of Nazareth were “amazed” about the way Jesus preached in their synagogue. They seemed to have been actually impressed at the start. But as soon as they started asking questions like “Where did he

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANGALANAN

 21,456 total views

 21,456 total views Homiliya para sa Pangwalong Araw ng Simbang Gabi, Sabado sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 23 ng Disyembre 2023, Lk 1:57-66 Isa sa pinakamahalagang silbi ng linggwahe para sa tao ay ang pagbibigay ng pangalan sa mga bagay-bagay sa buhay natin. Kaya karamihan sa mga linggwahe ay mayroong diksyunaryo. Importante ang diksyunaryo lalo na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BASBAS, PAGPAPALA

 32,473 total views

 32,473 total views Homiliya para sa Pampitong Araw ng Simbang Gabi, Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 22 ng Disyembre 2023, Lk 1:46-56 Ang Magnificat ay isang “Awit ng Pagpapala”. Sino ang pinagpapala ni Mama Mary? Ang Panginoon. Teka, di ba baligtad? Di ba dapat Diyos ang nagpapala at tao ang pinagpapala? Kahapon ito ang pahayag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAGDADALANG-TIPAN

 24,638 total views

 24,638 total views Homiliya para sa Pang-anim na Araw ng Simbang Gabi, Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 21 ng Disyembre 2023, Lk 1:39-45 Ewan ko kung saan ba nanggaling ang tradisyon na si San Lukas daw ay isa sa mga pinakaunang pintor ng mga imahen ng mga santo at santa. Ang alam ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN (Part 2)

 20,560 total views

 20,560 total views Homiliya para sa Panlimang araw ng Simbang Gabi, Miyerkoles sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 20 Disyembre 2023, Lk 1:26-38 Tatawagin nating part 2 ang homily na ito. Part 2 ng ating pagninilay tungkol sa gawain ni angel Gabriel na maghatid ng mabuting balita. Kahapon ang binabalitaan ay si Zacarias; ngayon naman si Mama

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN

 22,665 total views

 22,665 total views Homiliya para sa Pang-apat ng araw ng Simbang Gabi, Martes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 19 Disyembre 2023, Lk 1:5-25 Nitong nakaraang Dec 8, pyestang Immaculate Conception, sa ordinasyon ng tatlong bagong pari ng Diocese of Kalookan, hindi si Mama Mary ang tinutukan ko ng pansin sa homily ko kundi si angel Gabriel.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SIMULAN SA LAYUNIN

 16,418 total views

 16,418 total views Homiliya para sa Pangalawang Araw ng Simbang Gabi, Ika-17 ng Disyembre 2023, Linggo ng Gaudete, Juan 1:6-8, 19-28 “Simulan ang lakbayin sa layunin.” (Begin with the end in mind.) Isa daw ito sa “seven habits of highly-effective people” sabi ni Steven Covey. Ito ang buod ng ating pagninilay ngayon tungkol sa simbahang nagmimisyon.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWA AT GAWA

 16,841 total views

 16,841 total views Homiliya para sa Unang Araw ng Simbang Gabi, Ika-16 ng Disyembre 2023, Juan 5:33-36 Tungkol sa SIMBAHANG NAGMIMISYON ang magiging general topic ng ating mga pagninilay nitong buong simbang gabi. Ito kasi ang pinaka-buod na layunin ng isang simbahang “sinodal” o sa simpleng salita, simbahang bukas at laging handang lumabas sa sarili para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top