Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PNoy sa 6 na taon sa puwesto, bigong pangalagaan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

 235 total views

Bagsak ang ibinigay na grado ng Alyansa Tigil Mina sa naging performance ni Pangulong Benigno Aquino III matapos ang anim na taong panunungkulan nito sa bansa.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng grupo, hindi tama ang naging pagpapatupad ng administrasyong Aquino sa Executive Order 79 na naging batayan ng grupo sa pagtimbang ng kabuuang panunungkulan ng Pangulo sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan.

“Ikinalulungkot namin pero bagsak yung administrasyon, duon sa sukatan kung pinatupad ba nila or tama ba yung pagpapatupad nila dun sa mismong polisiya na sila yung naglabas.” Pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.
Aniya, bagamat may batas na nagbabawal at naglilimita sa mga mining companies upang hindi lubos na maapektuhan ng mga dumi nito ang kalikasan at ang komunidad na malapit dito, ay hindi ito nasunod ng mga kumpanya.

Dagdag pa ni Garganera, ang mga karagdagang proposal sa pagmimina na dapat nang ibasura ay inaprubahan pa ng administrasyon Aquino.

“Tulad nung contracts review saka performance evaluation, hindi nagawa iyon. Yung mapa na kung saan pwedeng magmina at hindi magmina, bagamat inilabas nila ay hindi nila masabi na final at unified map na ito, si hindi rin magamit ng mga local government sa pagdedesisyon.” Pahayag ni Garganera.

Bukod dito, ikinadismaya rin ng grupo, ang kawalang aksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na panagutin ang mga mining companies na napatunayang lumabag sa environmental protection.

Sa huli, inihayag ni Garganera na mananatiling magmamatyag ang ATM sa magiging pamamalakad ng papasok na administrasyong Duterte, at nakahanda itong panagutin ang anu mang pagkilos na magdudulot ng pagkasira sa kalikasan at sa buhay ng mga tao.

Sa tala ng Mines and Geosciences Bureau, ang Pilipinas ay nagtataglay ng 21.5 billion metric tons ng metal deposit habang mayroon naman itong 19.3 billion metric tons na non metallic minerals.

Dahil dito umabot sa 1,828 mining applications ang natanggap ng Aquino Administration sa loob ng anim na taon nitong panunungkulan sa bansa

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,703 total views

 9,703 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,803 total views

 17,803 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,770 total views

 35,770 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,090 total views

 65,090 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,667 total views

 85,667 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 43,421 total views

 43,421 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 43,439 total views

 43,439 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top