Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PNP, dapat magsipag na sa resulta ng EJK case – obispo

SHARE THE TRUTH

 212 total views

Sinang-ayunan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang pahayag ni Senate president Aquilino Pimentel III na hindi statistics ang kailangan ng taong bayan kundi ang resulta sa imbestigasyon na may kinalaman sa mga kaso ng death under investigation sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon sa obispo, maging ang mga kaalyado ng administrasyong Duterte ay umaalma na rin sa kawalan ng aksyon sa mga kaso ng extrajudicial killing sa bansa na may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi ni Bishop Bacani, panahon na para magsipag ang mga awtoridad upang malutas ang kaso ng EJK sa bansa.

“Harinawa ay maghunos-dili at magsipag naman, sabi nga ng mga tao ang daming dapat imbestigahan. Si Senate President mismo, si Pimentel nagtatanong nyan at nagsasabi nyan. Sabi ni Pimentel, “bibigyan nila kami ng statistics, I do not want statistics, I want results” sabi ni Pimentel, ay yun ay kakampi na ni presidente Duterte yan pero umaalma na rin sa mga nangyayaring hindi nareresolbang kaso.” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Sa latest report ng Philippine National Police, sa nakalipas na 6 na buwan ng administrasyong Duterte, nasa 6,200 na ang napatay sa kampanya laban sa operasyon ng iligal na droga kung saan halos 4,000 ay death under investigation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 22,800 total views

 22,800 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 36,860 total views

 36,860 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,431 total views

 55,431 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 80,127 total views

 80,127 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 79,644 total views

 79,644 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 105,459 total views

 105,459 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 141,530 total views

 141,530 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567