Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Problema sa drainage, dahilan ng pagbaha sa Cagayan de Oro City

SHARE THE TRUTH

 836 total views

Problema sa drainage ang dahilan ng pagbaha sa maraming barangay sa Cagayan De Oro City.
Ayon kay Teddy Saguba-a, City Social Welfare and Development Office o CSWD head, ito ay urban flooding at matagal na nilang problema na tuwing may mga pag-ulan, agad napupuno ang mga kanal kayat umaapaw ang tubig.
Sa pagbaha na halos lampas tao, 1, 034 pamilya ang naapektuhan sa 18 barangay sa Cagayan de Oro City dahilan upang isailalim ito sa state of emergency.
Sinabi ni Saguba-a, na nahirapan silang solusyunan ang nasabing problema sa baha dahil na rin sa pulitika sa kanilang lugar na hindi magkakasundo ang mga lokal na opisyal.
Gayunman, sa ngayon, nagkasundo na ang ilan sa mga opisyal na lagyan na ng pondo ang paglilipat sa mga residente na nakatira malapit sa mga creek o drainage at dalhin sila sa mas ligtas na lugar.
“Matagal ng panahon, isa sa problema natin dito ang comprehensive drainage system ng Cagayan de Oro, pinakamatinding challege natin ito lalo na ang iba nating mga kababayan andun na nakatira, tinututukan natin na mailipat sila, hopefully with partnership sa City Council.” Ayon kay Saguba-a
Sa ulat ng Pagasa, hindi na low pressure area (LPA) ang naghahatid ng ulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao kundi ang umiiral na cold front na maaaring umabot pa hanggang weekend ang ulan dahil sa makapal na ulap na namataan.
Kaugnay nito, huling namataan ang LPA 70 km Silangan Hilagang-Silangan ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Nilinaw ng Paghasa na hindi na low pressure area (LPA) ang naghahatid ng ulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao kundi ang umiiral na cold front.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 2,924 total views

 2,924 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 19,013 total views

 19,013 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 56,813 total views

 56,813 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 67,764 total views

 67,764 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 13,616 total views

 13,616 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 62,089 total views

 62,089 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 87,904 total views

 87,904 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 128,771 total views

 128,771 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top