Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Radio Veritas anchor, nagpapasalamat sa tiwala ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 6,790 total views

Ipinarating ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtitiwala kay Father Douglas Badong sa pagkakatalaga na bagong Kura Paroko ng Saint Joseph Parish, Gagalangin Tondo, Manila.
Tiwala si Cardinal Advincula na maging mabuting pastol si Father Badong upang maipagpatuloy ang wastong paggabay sa mga mananamapalataya ng parokya.
“Father Douglas, ang pagmamahal mo kay Hesus ang pagmumulan ng iyong lakas at sigla sa paglilingkod mo sa parokyang ito ng Gagalangin, nagsisimula ang lahat sa pagmamahal kay Hesus, sa pag-ibig kay Hesus bago pa man iatas kay Pedro na pakiinin ang kaniyang mga tupa, kalingain ang mga tupa, tinanong ni Hesus si Pedro, iniibig mo ba ako? do you love me? nagsisimula ang lahat sa pag-ibig kay Hesus,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula para kay Father Badong.
Nagpapasalamat din si Father Badong sa pagtitiwala ni Cardinal Advincula upang magsilbi sa lugar at muling mailapit ang mga mananampalataya sa Panginoon.
Ayon sa Pari, katulad ni San Jose Manggagawa ay tinatanggap niya ang bagong hamon upang magsilbing pastol ng mga mananampalataya sa Gagalangin Tondo.
Sinabi ng Pari na tinatanggap niya ang bagong misyon nang may pagpakumbaba sa puso na mayroong pinaigting at mas malalim na pananalig at pagpapasalamat sa bagong pagkakataon na magsilbing pastol ng parokya.
“Una salamat sa ating Cardinal na ipinagkatiwala niya itong paglilingkod, pagpapastol dito sa Parokya ni San Jose Gagalangin, at siyempre umaasa din tayo sa kaniyang suporta, panalangin para po magawa natin ang nararapat na may pagpapakumbaba ang pagiging pastol ng parokyang ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Badong.
Paanyaya naman ni Father Badong sa mga mananampalataya ang pakikiisa sa simbahan at pagtutulungan upang maisakatuparan ang mga plano ng Panginoon at sama-samang paglalakbay bilang nag-iisang simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 321,657 total views

 321,657 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 338,625 total views

 338,625 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 354,453 total views

 354,453 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 444,329 total views

 444,329 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 462,495 total views

 462,495 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top