Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Resulta sa imbestigasyon ng simbahan sa pagkamatay ng pari, inaantabayanan ng pamilya

SHARE THE TRUTH

 597 total views

October 1, 2020-11:30am

Hihintayin ng pamilya ni Rev. Fr. Nomer de Lumen ang resulta ng isasagawang imbestigasyon ng Diyosesis ng Antipolo sa pagkamatay ng pari.

Ayon kay Elpidio de Lumen ang ama ng yumaong pari, patuloy ang kanilang pagdarasal at paghingi ng gabay sa Diyos at sa Mahal na Birhen para sa katotohanan at katarungan ng pagkamatay ni Fr. de Lumen.

“Hihintayin ng aming pamilya ang findings ng committee. Patuloy kaming nagdarasal ng Santo Rosaryo upang gabayan ni Maria na ating Ina,” pahayag ni de Lumen sa Radio Veritas.

Matatandaang binuo ni Bishop Francis De Leon ang AD Hoc committee na mangunguna sa pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng pari.

Sa kautusang inilabas ni Bishop de Leon, itinalaga sina Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco na chairman ng kumite at kabilang sa mga miyembro sina Fr. Ally Barcinal at exorcist Priest Fr. Jeffrey Quintela.

Layunin nitong alamin ang katotohanan sa pagkamatay ni Fr.de Lumen na may ibayong paggalang sa simbahan at dignidad ng pari.

Ikasiyam ng Setyembre ng matagpuan ang bangkay ni Fr. de Lumen sa kanyang silid sa St. John the Baptist Parish Taytay Rizal.

Umaasa ang pamilya de Lumen na lalabas ang katotohanan ng pagkamatay ng pari na unang naiulat na nagpatiwakal kasabay ang apela sa mamamayan nang patuloy na pagdarasal sa kapayapaan ng kaluluwa ni Fr. de Lumen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 39,887 total views

 39,887 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,975 total views

 55,975 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,463 total views

 93,463 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,414 total views

 104,414 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top